• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-01-24 16:51:27    
Dongpo-style pork

CRI

Ang Dongpo-style pork ay isang Zhejiang delicacy. Ang Zhejiang ay lalawigan dito sa Tsina. Tulad din naman diyan sa Pilipinas, dito sa Tsina ang bawat lalawigan ay may ipinagmamalaking food specialty.

Mga sangkap
1500 gramo ng streaky pork (iyong maraming layer)
100 gramo ng scallions
100 gramo ng asukal
250 gramo ng shaoxing wine
50 gramo ng ginger block (dinikdik)
150 gramo ng soy sauce

Paraan ng pagluluto

Hugasan ang streaky pork, alisin ang taba pero huwag gagalawin ang balat at iba pang bahagi.

Hiwa-hiwain ang karne sa 10 kuwadrado o rektangular na piraso.

Pakuluin ang karne sa loob ng 5 minuto para pumuti. Ibuhos sa salaan tapos hugasan para maalis ang sebo.

Maglagay ng parilya sa loob ng palayok. Ikalat sa ibabaw ng parilya ang 50 gramo ng scallions at 50 gramo ng ginger block, bago ipatong ang karne nang nasa ibabaw ang balat. Lagyan ng asukal, alak, toyo at ilagay na rin ang nalalabing 50 gramo ng scallions. Takpan ang palayok. Pakuluin. Pagkulo, bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 30 minuto. Ilagay ang karne sa pottery jar nang nasa ibabaw ang balat. Ilagay sa steamer at pausukan sa mataas na temperatura hanggang sa lumambot. Isilbi.