Sa dahilang nagsisilbing tanda ng pagsisimula ng bagong taon ang Spring Festival, ang unang pagkain ay napaka-importante. Ang mga taga-hilaga at taga-timog ay may magkaibang kuwento hinggil sa mga ulam na kani-kanilang kinakain sa espesyal na araw na ito.
Sa Hilagang Tsina, karaniwang kinakain ng mga tao ang Jiaozi o dumpling na may hugis ng crescent moon. Unang nakilala sa Tsina ang Jiaozi noong mga 1600 taon na ang nakararaan. Ang pagbigkas ng salitang "Jiaozi" sa wikang Intsik ay nangangahulugan ng hatinggabi. Ayon sa rekord, kapwa kumain ng dumpling sa New Year's Day ang mga taong taga hilaga at timog noong araw. Pero, dahilan marahil sa mas maraming palay sa Timog Tsina, unti-unting nagdebelop ang mga taga-timog ng marami pang ibang klase ng kakanin.
Ang Chinese Dumpling ay isa sa pinakamahalagang pagkaing inihahain tuwing bagong Taon ng Tsina. Dahil ang hugis ng Chinese Dumpling ay katulad ng sa sinaunang gold o silver ingot ng Tsina, ang mga ito'y simbolo ng kayamanan. Isang kaugalian ng ang pagtitipon-tipon ng mga maiyembro ng pamilya upang gumawa ng mga dumpling sa bisperas ng Bagong Taon. Kung minsa'y nagtatago sila ng isang barya sa isa sa mga dumpling. Ang sinumang makatagpo sa barya ay malamang na magkaroong ng mabuting kapalaranx sa Bagong Taon. Popular din ang Chinese Dumpling sa iba pang holiday o kapistahan ng Tsina, kaya ito'y isang bahagi na ng kultura o tradisyon ng Tsina.
Masarap ang Chinese Dumpling. Makagagawa ka ng iba't ibang klase ng Chinese Dumplings na gumagamit ng iba't ibang palaman nang ayon sa iyong panlasa at kung papaano mo pagsasahugsahugin ang iba't ibang palaman.
Karaniwang kapag Chinese dumpling ang iyong pananghalian, hindi na kailangang magluto ka pa iba liban kung may malalaking okasyon. Ang dumpling mismo ay mainam para sa pananghalian. Ito ang isa sa mga bentahe ng Chinese Dumplings kaysa sa ibang pagkain, bagama't matagal itong gawin.
Talagang kailangang magtulungan sa paggawa ng dumpling. Kadalasa'y kasali ditto ang buong pamilya. Nagsimula akong gumawa ng dumplings noong bata paako, kaya karamihan sa mga Tsinong kagaya ko ay marunong gumawa ng dumpling. Mahusay akong gumawa ng dumplings, lalo na sa paggawa ng balat na siyang pinakamahirap sa paggawa ng dumplings.
Ang Chinese dumplings ay magalas na siyang pabaon para sa mga kaibigan o mga miyembro ng pamilya. Marahil ito'y isa ring kaugalian na.
Bukod sa Jiaozi, popular din para sa unang pagkain ng Spring Festival ang noodles, New Year Cakes at Tangtuan, isang uri ng matamis na dumpling na may hugis-bola. Kapwa yari sa malagkit ang naturang cakes at dumplings.
Sa Tsina, ang noodles ay simbolo ng mahabang buhay. Ang New Year Cake naman ay tinatawag na "Nian Gao" sa wikang Tsino na naghahatid ng pag-asang lalo pang mapapabuti ang pamumuhay sa darating na taon. Ang matamis na dumpling na may hugis-bola naman ay simbolo ng reunion.
|