Happy Lunar New Year sa inyong lahat diyan lalo na sa mga kababayang Chinese.
Ngayon maririnig ninyo ang tinig ni Joy Melendez, ang matapat naming contributor at tagapagtaguyod. Nagkita kami ni JM kaninang umaga kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na kumustahin ang kaniyang Lunar New Year.
Bukod sa tinig ni JM, bibigyang-daan ko rin ang text messages ng ating textmates at ang mga mensaheng pang-Spring Festival ng mga tagapakinig.
Gaya ng nasabi ko, nagkita kami ni JM kaninang umaga sa Wangfujing, popular na shopping street dito sa Beijing. Sabi niya Happy New Year daw uli...
Sabi ni Joy marami na ring pagbabago sa paraan ng pagse-celebrate ng mga Chinese ng Spring Festival, pero nananatili pa ring pinakamahalagang bahagi ng kanilang selebrasyon ang family reunion. Hindi raw lubos ang celebration kung hindi magkikita-kita at magtatagpu-tagpo ang mga miyembro ng pamilya...
Sa lahat raw ng Spring Festival-related activities ang pinaka-paborito niya ay ang pagkain ng Jiaozi. Natikman na raw niya ata ang halos lahat ng flavor nito...
Sana raw sa taong ito, mabawasan naman daw ang kaguluhan sa mundo kung hindi man mahinto. Hindi mo raw malaman kung saan ka susuot dahil kahit saan may gulo...
At iyan ang tinig ni Joy Melendez mula sa Wangfujing dito sa Beijing. Mula naman sa Pilipinas, narito ang text messages ng ating textmates...
Mula sa 919 336 4652, "Wishing You Good Fortune in 2006!" Mula sa 917 664 2152, "Good Luck, Good Health, for the New Year!" At mula naman sa 920 415 5536, "Peace On Earth, Goodwill to Men!"
Ngayon dumako na tayo sa pagbabasa ng mga mensaheng pang-Spring Festival na padala ng mga tagapakinig.
Sabi ni Rolly de Mesa ng Tamaraw Security Agency: Matagal na rin akong nakikinig sa inyong mga programa at nasusundan ko ang development ng inyong transmissions. Alam ko na ginagawa ninyong lahat ang inyong magagawa para mapasaya kami dito sa Pinas. Malaki ang improvement ng inyong pagta-transmit at alam ko kung gaano kalaki ang inyong pagsisikap para dito. Sa bagong taon, sana lalo pang gumanda ang inyong mga programa para lalo kaming sumaya sa aming pakikinig. Happy New Year at more power!
Sabi naman ni Jorge Aragon ng San Andres, Manila: I wish you the most prosperous Lunar New Year! Sana lumawig pa ang inyong programa at sana ang Tsina ay magpatuloy sa pag-unlad dahil ang pag-unlad nito ay pag-unlad din ng mga bansang nakapaligid. Ang Lunar New Year ay maraming dalang hamon at pagkakataon sa Tsina. Sana maharap ng bansa ang hamon nang buong tapang at masamantala ang mga pagkakataon. Uli, Happy New Year!
Maraming salamat sa inyo Rolly at Jorge. Sana sa taong ito matupad ang inyong mga pangarap.
|