• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-01-31 21:38:44    
Enero ika-22 hanggang ika-29

CRI
Nitong ilang araw na nakalipas, ang Spring Festival ay maligayang ipinagdiriwang sa mga bansa sa Timog Silangang Asya na kinabibilangan ng Pilipinas, Thailand, Kambodya at iba pa.

Sa Maynila, kabisera ng Pilipinas. Bumati ng Maligayang Spring Festival si Alkaldeng Lito Atienza at ang mga lokal na opisyal sa Chinese community sa lokalidad. Idinaos noong araw ng Linggo sa Chinatown sa Binondo ang mga aktibidad ng pagdiriwang na nilahukan hindi lamang ng mga Chinese-Filipino, kundi maging ng mga mamamayang Pilipino.

       

Drag dance sa Philippine Stock Exchange

Sa iba't ibang lugar ng Thailand, sinimulang idaos mula noong Sabado ang mga aktibidad bilang pagdiriwang sa Spring Festival at lumahok ngayong araw sina Prinsesang Maha Chakri Sirindhorn at punong ministro Thaksin Shinawatra sa aktibidad sa Chinatown sa Bangkok.

Sa Kambodya naman, nagpalabas ng mensahe sa mga pahayagan ng wikang Tsino ang mga lider na Kambodyano na kinabibilangan ni punong ministro Hun Sen bilang pagbati sa mga ethnic at overseas Chinese sa lokalidad.

Nag-abuloy noong Lunes ang panig militar ng Tsina sa panig militar ng Pilipinas ng 12 engineering vehicles na nagkakahalaga ng 10 milyong yuan RMB bilang pagkatig sa Pilipinas sa konstruksyon ng impraestrukturang sibil. Lumahok sa seremonya ng pag-aabuloy ang mga kinatawan mula sa pamahalaan at panig militar ng dalawang bansa. Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Li Jinjun, embahador ng Tsina sa Pilipinas, na ang abuloy na ito ay isa ring sagisag ng pag-unlad ng relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa at ng kanilang mga tropa at ito ay palatandaan ding walang humpay na humihigpit ang pagtitiwalaan at pagtutulungan ng mga departmento ng tanggulan at tropa ng dalawang bansa at nagiging hinog ang relasyong Sino-Pilipino.

Ipinalabas noong Huwebes ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas na magsasagawa ang kanyang bansa ng patakaran ng zero tariff sa pag-aangkat ng piyesa ng mga sasakayang de motor na gumagamit ng substitute energy para mapasulong ang Pilipinas na unti-unting maisakatuparan ang self-reliance sa enerhiya. Nang araw rin iyon, sa isang atas, ipinahayag ng pangulong Pilipinas na ang patakarang ito ay nagpapakita ng paninindigan ng pamahalaan ng Pilipinas na nagsasagawa ng patakaran ng pagtitipid ng enerhiya at pagpapataas ng use rate ng enerhiya. Noong isang taon, walang humpay na tumaas ang presyo ng langis sa pamilihang pandaigdig at ito ay nagdulot ng malaking pansanin sa Pilipinas na depende sa pag-aangkat ng maraming langis. Dahil dito, itinakda ng pamahalaan ng Pilipinas ang isang serye ng plano at hakbangin para magtipid ng enerhiya at paunlarin ang substitute energy.