Ang putaheng ito daw ay madalas i-serve sa malalaking bangkete dito sa Tsina.
Mga sangkap
1 chicken breast 300 gramo ng chinese yam 75 gramo ng pea pods 2 kutsara ng lycium berries
Para sa marinade:
1 kutsara ng puti ng itlog 1/2 kutsara ng cooking sherry 1/2 kutsarang asin 1 kutsara cornstach
Para sa seasoning:
1 kutsara cooking sherry 1 kutsarang asin 1/2 kutsarang misture ng cornstarch at tubig
Paraan ng pagluluto
Hugasan ang chichen breast o dibdib ng manok at hiwa-hiwain nang pacube. I-marinate sa loob ng sampung minuto, iprito sandali at alisin. (Siguruhin na hindi sosobra sa init ang mantika kasi baka magdikit-dikit ang mga hiniwang manok at tumigas.)
Talupan at hiwain din ng pa-cube ang Chinese yam. I-trim ang mga fibers sa magkabilang gilid ng pea pods at hugasan. Hugasang mabuti ang lycium berries.
Iprito't haluin ang Chinese yam sa 2 kutsarang mantika. Isama ang chicken breast at pea pods. Lagyan ng seasoning at apat na kutsarang tubig at pakuluin. Ibudbod ang lycium berries at haluing mabuti. Alisin at isilbi.
|