Si Mr. Liu Guofang ay isang karaniwang magsasaka sa bayan ng Shangshan sa lalawigang Zhejing sa silangang Tsina. Nagtapos lamang siya sa paalaarang sedundaryo at apat na taon na ang karanasan niya sa pagtatrabaho sa lunsod. bilang estibador at construction worker at ang sahod niya ay mga limang daang Yuan isang buwan. Ngayon nagtatrabaho siya sa isang pabrika bilang isang computer mainainer sa lunsod ng Ningbo na 200 kilomtro ang layo sa kanyang lubong tinubuan. Madali at malinis ang bago niyang trabaho at ang sahod niya'y umabot sa mahigit 1.200 Yuan isang buwan. Sinabi niyang nakikinabang siya nang malaki sa training class na ipinatatakbo ng lokal na pamahalaan.
"Nag-aral ako sa training class sa tagal ng mahigit isang buwn. Ngayon maruno na akong sa paghahandle ng mga soft ware. Medyo mahusay na ako ngayon sa paggamit ng computer."
Sinabi pa ni Mr. Liu na maraming kanayon niya ang nag-aaral ng paggamit ng computer at teknik ng pagkukumpuni ng computer at sila rin ay nakahanap ng mga kinasisiyang trabaho sa labas.
Si Mr. Zhou Liujun, puno ng bayan ng Changshan ay unang nag-isip ng ganitong paran upang sanayin ang mga magsasaka. Natuklasan ni Mr. Zhou na ang mga magsaska ay marunong lamang sa pagsasaka, kaya mahirap para sa kanila para kumita nang malaki. Kaya, naisip niyang buksan ang walang bayad na training class para sa mga magsasaka sa mga atrasadong nayon. At hinggil dito, sinabi ni Mr. Zhou Liujun:
"Ganito ang isinisip ko sa pagbibigay ng walang bayad na pagsasanay sa mga magsasaka. Sa palagay ko, ang pinakamahirap para sa paghahanap-buhay ng mga magsaska ay wala silang kakahuhan sa iba pang gawain kundi sa pagtatanim. Ang pagkakaloob namin sa magsasaka ng walang bayad na pagsasanay ay para lamang hubugin ang mga magsasaka sa ilang trabaho. Sa katunayan'y ito ay para pangalagaan at pataasin ang produktibong puwersa."
Isang taon lamang ang tagal ng isinasagawang patakarang ito, nguni't natamo nito ang malaking bunga. Noong isang taon, mahigit 3.700 sa lahat ng mahigit 6400 nagtatrabaho sa labas ng bayan nito ay nagmamaster ng isang taknolohiya at ilan sa kanila'y nakakuha na ng proffesional certificate ng estado. Ang kanilang kita bawat buwan ay karaniwang lumampas sa l.300 Yuan. Noong 2003, ang kita ng mga magsasaka ng bayan ng Changshan ay lumaki ng 12.4% kumpara sa taong 2002 na mas mataas sa everage rate ng paglaki ng kita ng mga magsasaka sa buong bansa.
Hindi lamang yaong nagtatrabaho sa labas ng county ay nakikinabang sa gayong uri ng pagsasanay, ang mga magsasaka sa loob ng bayan ay nakikinabang nang malaki sa pgasasanay na ito. Si Mr. Li Shiaolin ay isa sa mga magsasaka sa lokalidad na nakikinabang sa training class.
Si Mr. Li na nag-aaral siya ng paggamit ng computer sa training class at pagkaraan ng 20 araw na pag-aaral, natuto na siyang isa-network. Nabasa noon sa interntwork ang isang impormasyon hinggil sa pagnanais ng isang kompanya ng lalawigang Jujian na bumili ng 1000 baboy at nakipag-ugnayan siya kaagad sa kompanyang ito. Matagumpay ang negosyo nila ng komapnayang ito. Nabigla siya't nakatutuwa. At sa ngayon, naging regular na ang kanilang ugnayan niya sa kompanyang ito sa negosyo. at maraming pera ang napupunta sa kaniyang bulsa. Sinabi niyang,
"Inisip ko noon 'aanhin ang pag-aaral ng komputer?' Mas mabuti para sa akin ay ang pagtatanim. At ngayon, naalam ko na ang kabutihan sa pag-aaral ng teknik ng paggamit ng komputer. Salamat sa kaalaman ko sa komputer, naging maalam ako sa iba't ibang impormasyon sa pamilihan. Lipos ako ng pananalig sa aking negosyo."
May iba't ibang uri ng traning class na itinatangkilik ng pamahalaan ng balyan ng Changshan na gaya ng training class sa paghubog ng guwardya, domestic helper at iba pa. Maraming magsasaka ay aktibo sa pag-aaral sa ganitong uri ng training class. Sinabi ni Miss Wu Jieqin, boss ng isang pribadong training class sa lokalidad:
"Aktibo ang mga magsasaka sa pagpasok sa iba't ibang uri ng training class. Dahil ang pamahalaan ay bahala sa lahat ng gastos nila sa pag-aaral."
Ang paraang ito ng bayan ng Changsang para tulungan ang mga magsasaka sa pagpapalaki ng kanilang kita ay kinilala at ipinalalaganap ngayon sa buong lalawigan.
|