• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-06 15:21:37    
Enero ika-30 hanggang Pebrero ika-4

CRI

Sinabi ngayon araw ni Richard Gordon, tagapangulo ng Philippine National Red Cross, na di-kukulangin sa 73 tao ang namatay at mahigit 350 tao ang nasugatan sa insidente ng stampede na naganap sa kanugnog ng Manila nang araw ring iyon.

Sinabi niyang pagkaraang maganap ang naturang insidente, agarang isinagawa ng kinauukulang departamento ang hakbangin para sa pagbibigay-saklolo, at madaliang isinugod ang mga nasugatan sa ospital. Patuloy pa rin ang isinasagawang rescue operation hanggang sa kasalukuyan. Isinalaysay din niyang ang karamihan sa mga namatay ay kababaihan, at may posibilidad na tumaas pa ang bilang ng mga namatay.

Ayon sa ulat, sa panahon ng paghihintay ng halos 30 libong tao sa labas ng isang gymnasium sa kanugnog ng Manila kaninang umaga para lumahok sa isang programa sa telebisyon, naganap ang insidente ng stampede dahil sa maling pag-aakala ng mga tao na nakabukas ang entrance ng gym.

Kinumpirma kahapon ng opisyal ng ministri ng kalusugan ng Indonesia na pagkaraang suriin ng laboratoryo ng World Health Organization (WHO) sa HongKong, dawala pang lalaking Indones ang namatay dahil sa bird flu. Hanggang sa kasalukuyan, umabot sa 16 ang bilang ng mga namamatay ng Indonesia dahil dito.

Hanggang ngayon, lumitaw na ang kalagayang epidemiko ng bird flu sa 25 lalawigan ng bansang ito, at ang mga kaso ng pagkahawa ng tao ng bird flu ay lumitaw sa apat na lalawigan.

Ipinalabas kagabi ng lupong panghalalan ng Kambodia ang opisyal na resulta ng kauna-unahang halalan para sa mataas na kapulungan at natamo ng Cambodian People's Party ang mahigit 2/3 ng mga luklukan ng mataas na kapulungan.

Ayon sa resultang ito, sa naturang halalang idinaos noong ika-22 ng buwang ito, 45 luklukan ang nakuha ng Cambodian People's Party, pinakamalaking naghaharing partido, 10 luklukan naman ang nakuha ng Funcinpec Party, isa pa rin naghaharing partido, samantalang 2 naman ang papunta sa SamRainsy Party, partidong oposisyon.

Pumunta kamakailan sa Kun Ming, isang lunsod sa lalawigang Yun Nan sa timog kanlurang Tsina ang 11 tauhan mula sa isang kompaniyang kemikal sa Laos para sa isang pagsasanay na teknikal. Ang aksiyong ito ay inaasahang makapagpapabago sa kasalukuyang kalagayan ng Laos na kapos sa mga talento sa larangang kemikal.

Napag-alamang tatanggap ang nasabing mga tauhan ng komprehensibong pagsasanay sa Kun Ming para ma-master ang iba't ibang teknolohiya sa makabagong produksyong at makakakuha ng karanasan sa produksyon at pangangasiwa.