• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-06 15:26:04    
Pahabol na bating Pambagong Taon

CRI
May mga pahabol pa tayo ditong mensaheng Pang-Spring Festival. Siguro hindi naman alangan na bigyang-daan natin ang mga ito dahil katatapus-tapos lang ng Lunar New Year.

Tumawag si Lucas Baclagon ng Saudi Arabia. Sabi niya sorry daw at hindi siya nakatawag noong New Year, January 28. May mahalagang bagay daw siyang pinagkaabalahan noong araw na iyon at noong mga sumunod pang araw kaya hindi siya nakatawag. Sabi ko naman okay lang. Hindi ba, sabi ko, may kasabihan tayo na huli man daw at magaling e... huli pa rin, ha-ha-ha.

Sa pag-uusap naming sa telepono, binigyang-diin ni Lucas na dapat panatilihin ng mga Chinese ang tradisyonal na paraan ng pagdiriwang ng kanilang Bagong Taon. Hindi daw dapat mawala ang Dragon Dance, family reunion, pag-iingay sa bisperas ng Bagong Taon, pag-aabot ng pulang sobre, pagbabatian at iba pa, dahil may kinalamang daw ang mga ito sa kanilang pambansang pagkakakailanlan. Ang mga ito raw ang dahilan kaya ang Spring Festival ay nakilala bilang Chinese New Year. Hindi raw nila dapat tularan ang Kanluran sa pangdiriwang nila na Lunar New Year.

Tulad din naman ng ibang tagapakinig, ang tanging hangad ni Lucas sa bagong Lunar Year ay kapanatagan at harmony sa mundo. Sana daw ibaliang din natin an gating pansin sa ibang isyu hindi lamang sa terorismo at digmaan. Napapabayaan na daw natin ang ibang mahahalagang problema na tulad ng pagnipis ng ozone layer, pagkapanot ng kabundukan, pagkalason ng ilog, at iba pa...

Basahin naman natin ang mensaheng padala ni Carmen Abunda ng Galas, Quezon City.

Sabi ng Kaniyang liham...

Dear Seksiyong Filipino Family,

Una sa lahat, binabati ko ang mga miyembro ng staff ninyo. Pangalawa, salamat sa T-Shirt na ang logo ay "I Climbed The Great Wall". Kahit hindi pa ako nakakapunta diyan sa inyo at nakakapanik sa Great Wall, parang ganoon na rin ang aking pakiramdam.

Perfect ang inyong signal noong December 23 kaya buo ang dinig ko sa inyong program na para sa Araw ng Pasko at maganda rin ang tinig ng interviewee ninyo na doctor. Para sa akin, ang program na ito ang number one sa lahat ng inyong mga programa at number one sa lahat ng mga lumabas na programa sa short-wave last year. Sana sa pagpasok ng Year of the Dog, magkaroon pa kayo ng ganitong mga program. Sana rin ipagpatuloy ni Ramon ang sinimulan niyang cooking show at mas may appeal sa akin ang talagang Chinese foods. Ituloy din niya sana ang guessing games. Enjoy kami sa guessing games at sa prizes.

I would like to end up here.

Wishing you a happy Year of The Dog!

Garmen Abunda
Galas, Quezon City
Philippines

Thank you so much Carmen, iyong request mong pamaypay para sa birthday mo ipapadala ko sa iyo sa isa sa mga darating na araw. Sana rin sa Year of the Dog, dumalas pa ang pakikinig at pagsulat mo sa amin. Maraming salamat uli at belated Happy Birthday sa iyo.