Bukod sa mga nakatutuwang palabas at mga magagandang parol, ang isa pang mahalagang bahagi ng Lantern Festival o Yuanxiao Festival ay ang pagkain ng maliliit na dumpling ball na gawa sa malagkit. Sa wikang Tsino, ang tawag sa mga bolang ito ay Yuanxiao. Malinaw na malinaw na nakuha ng mga tao ang katawagang ito mula sa kapistahan mismo. Ang kaugalian ng pagkain ng Yuanxiao ay nagsimula daw sa Eastern Jin Dynasty noong ika-4 na siglo at naging popular ito noong panahon ng Tang at Song Dynasty.
Matamis o maalat ang laman ng dumplings o Yuanxiao. Ang matamis na laman ay gawa sa asukal, walnut, sesame, osmanthus flower, talulot ng rosas, pinatamis ng tangerine peel, bean paste o jujube paste. Kahit isa lang sa mga sangkap o kombinasyon ng mga ito ay magagamit bilang laman. Ang maalat na klase naman ay may lamang tinadtad na karne o gulay o pinaghalong dalawang ito.
Magkaiba rin ang mga paraan ng paggawa ng Yuanxiao sa Hilaga at Timog Tsina. Ang karaniwang paraang sinusunod ng mga lalawigan sa Timog ay hinuhubog muna na parang bola ang masa ng malagkit, binubutasan ang bolang ito, nilalagyan ng palaman at pagkatapos'y pinapasakan ang butas at pinakikinis ang dumpling sa pamamagitan ng pagpapagulong nito sa pagitan ng mga palad. Sa hilagang naman, karaniwan na ang matamis o walang-lamang karneng dumpling. Ang palaman ay pinipiga hanggang sa magmistulang matigas na ubod at bahagyang inilulubog sa tubig bago pinagugulong sa lapad na basket na nabubudburan ng tuyong pulbos ng malagkit. Dumidikit ngayon dito ang isang layer ng pulbos ng malagkit. Muli itong inilulubog sa tubig at muling pinagugulong sa basket at inuulit-ulit ang paosidyur hanggang sa makuha ang gustong laki ng dumpling.
Ang kaugalian ng pagkain ng Yuanxiao ay buhay pa rin hanggang ngayon at hinihimok ang mga luma at bagong tindahan na paunlarin ang kani-kanilang produktong Yuanxiao. Ginagawa nilang lahat ang makakaya para mapasarap ang lasa at mapataas ang kalidad ng dumpling, nang sa gayo'y makaakit ng mas maraming mamimili.
|