• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-10 15:15:50    
Yuanxiao Festival

CRI

Ang Yuanxiao Festival ay natatapat sa ika-15 ng unang Chinese lunar month. Meron itong mahigpit na kaugnayan sa Spring Festival. Noong araw, ang mga tao ay nagsimulang maghanda para sa Spring Festival mga 20 araw bago dumating ang pistang ito. Sa kabilang banda, ang Yuanxiao Festival naman ay nagsisilbing tanda ng pagtatapos ng selebrasyon ng Chinese New Year. At pagkatapos nito, balik ang lahat sa normal.

Ang "yuan" sa wikang Tsino ay nangangahulugan ng "una", at ang "xiao" naman ay "gabi". Yuanxiao ang kauna-unahang pagkakataon sa isang taon kung kailan nakikita natin ang full moon. Ang pinakaprominenteng aktibidad ng pistang ito ay ang pagtatanghal ng iba't ibang uri ng magagandang parol. Kaya tinatawag din ang okasyong ito na Lantern Festival.

Maraming iba't ibang paniniwala tungkol sa pinagmulan ng Lantern Festival. Pero seguradong ito ay may kaugnayan sa "religious worship" o sambaing panrehiyon.

Ayon sa isang alamat, noong araw, ito ay araw ng pagsamba kay Taiyi, diyos sa langit o "God of Heavem". Pinaniwalaang kinokontrol ng God of Heaven ang kapalaran ng human world. May 16 na dragon siya na handang pag-utusan. At pinagpapasiyahan niya kung kailan siya nag-i-inflict ng tagtuyot, bagyo, taggutom o pestilensya. Mula kay Qin Shihuang, unang emperador sa Tsina na nakapag-unite ng buong bansa, ang lahat ng mga sumnod sa kanyang emperador ay nagbaba ng kautusan na magdaos ng marangyang seremonyataon-taon upang hilingin kay Taiyi ang paborableng panahon at kalusugan para sa kanilang sarili at kanilang mga tauhan. At ang emperador Wudi ng Han Dynasty naman ay lubos na nagpahalaga sa pangyayaring ito. Samakatwid, iprinoklama niya noong 104BC na isa sa mga pinaka-importanteng selebrasyon ang naturang pangyayari at dapat tumagal nang buong magdamag ang seremonya.

Ang isa pang alamat ay nag-uugnay ng Lantern Festival sa Taoism. Ang Tianguan ay Taoist God na siyang responsible sa mabuting kapalaran. Ang kaarawan niya ay tuwing ika-15 ng unang lunar month. Mahilig daw ang Tianguan sa lahat ng klase ng mga libangan o entertainment, kaya naghahanda ang mga tagasunod niya ng iba't ibang uri ng aktibidad na kung kailan nagdarasal sila para sa magandang kapalaran.