• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-10 15:16:15    
Aktibidad sa Spring Festival

CRI
Tungkol sa mga aktibidad ng Spring Festival, ang pagbisita sa bagong taon ay isang mahalagang pangyayari sa panahon ng Spring Festival. Noong araw, pagdating ng pistang ito, pumunta ang mga mataas na opisyal sa korte upang batiin ang emperador ng isang maligayang bagong tao. Nagdaos din ang buong angkan ng isang seremonya. Gayunman, madalas nagaganap ang mga pagdadalawan ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan. At karaniwang nagtatagal ng ilang araw ang aktibidad na ito.

Mula noong panahon naman ng Song Dynasty noong ika-10 siglo ay nagsimula ang mga tao na magpadalahan ng mga card para ipaabot ang mensaheng pambagong-taon. Noong una, ang pagpapadalahan ng mga card sa isa't isa ay nilimitahan sa loob ng sirkulo ng mga taong nasa matataas na posisyon. Kaya naging isang paraan din ito upang maipagparangya ang "social status". Gayunman, ang mga karaniwang tao ay nagsimula ring magpalitan ng mga card mula noong ika-14 siglo sa Ming Dynasty. At nananatili hanggang ngayon ang kaugaliang ito. Hinggil naman sa mga libangan sa panahon ng Spring Festival, maisasummarize ang mga ito sa dalawang salita: sarisari at makulay. Karaniwang may nag-dadragon dance at nagla-lion dance sa Spring Festival. At ang mga performance na ito ay hindi kinakailangang gampanan ng mga professional. Kung minsan, ang mga magsasaka, street vendor o craftsman ay ang nagpe-perform.

Ang "walking on stilts" ay isa pang tradisyonal na performance na popular sa Tsina, lalo na sa Hilagang Tsina. Ayon sa archives, unang ginamit ng mga ninunong Tsino ang stilt para sa pamimitas ng prutas. At ang function na ito ng stilt ay unti-unting naging isang uri ng katutubong sayaw. Nakagagawa ang mga mahuhusay na performer ngayon ng talagang kahanga-hangang movement sa stilt. At ang mga professional naman, ay makakapagpalabas pa ng mga drama sa stilts.

Kung hindi ka man makakapag stilt-walk o makakapagdragon-dance o makakapaglion-dance, hindi bale! Sa panahon ng Spring Festival, makapagpupunta ka sa temple fairs at makakapagenjoy ka sa napakagaling na performances ng mga sayaw, stilt-walking at kahanga-hangang acrobatic shows. Makatitikim ka rin ng iba't ibang uri ng snacks.

Sa ngayon, sumusunod pa rin sa naturang mga selebrasyong tradisyonal ang karamihan ng mga tao sa rehiyong rural ng Tsina. Gayunman, kasabay ng pagbilis ng rhythm ng pamumuhay sa mga lunsod, ang mga naninirahan doon ay nag-adopt na ng mga bagong paraan upang maipagdiwang ang Chinese New Year. Halimbawa, hindi na nang-abala ang mga taga-lunsod sa pagpapadalahan ng mga greeting card. Sa halip, ipinaaabot nila ang kanilang pagbati sa mga kamaganak at kaibigan sa pamamagitan ng telepono o pagers. Ang paglalakbay sa panahon ng Spring Festival ay isa pang nauuso ngayon. At ang dapat ding banggitin na para sa seguridad, may ilang taon na ring ipinagbabawal ang mga paputok sa ilang malalaking lunsod sa Tsina, at dahil dito, wala nang ingay sa panahon ng selebrasyon ng Spring Festival.

Parang nahaharap sa mga bagong hamon ang lahat ng mga tradisyong Tsino. Paglaki ng mga bata ng susunod ng henerasyon, baka sa libro na lamang nila magawa ang mga kaugaliang Tsino.