Dear Seksiyong Filipino Family,
Una sa lahat, binabati ko ang mga miyembro ng staff ninyo. Pangalawa, salamat sa T-shirt na ang logo ay "I Climb The Great Wall". Kahit hindi pa ako nakakapunta diyan sa inyo at nakakapanik sa Great Wall, parang ganoon na rin ang aking pakiramdam.
Perfect ang inyong signal noong December 19 kaya buo ang dinig ko sa inyong program na para sa Araw ng Pasko. Narinig ko ang boses ng inyong club na umawit ng Pamasko at maganda rin ang tinig ng interviewee ninyo na doctor. Para sa akin, ang program na ito ang number one sa lahat ng mga lumabas na programa sa short-wave last year. Sana na pagpasok ng Year of the Dog, magkaroon pa kayo ng ganitong mga program. Sana rin ipagpatuloy ni Ramon ang sinimulan niyang cooking show at mas may appeal sa akin ang talagang Chinese foods. Ituloy din niya sana ang guessing games. Enjoy kami sa guessing games at sa prizes.
I would like to end up here.
Wishing you a Happy Year of The Dog!
Carmen Abunda Galas, Quezon City Philippines
|