• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-13 17:01:58    
Araw ng mga Puso

CRI
Maligayang Araw ng mga Puso sa inyong lahat diyan! Sana okay kayo at ang inyong mga valentine.

Mayroon tayong panauhin ngayong gabi, si Joyce Alcazar, isang kababayang English teacher sa isang middle school dito sa Beijing.

Kung may tanong kayo hinggil sa Valentine's Day, mas maigi kung si Joyce ang sumagot dahil malayo siya sa kanyang valentine, ha-ha-ha. Hindi, kasi mga estudyante ang madalas niyang kasama, at alam ninyo na, maraming alam ang mga iyan pagdating sa ganitong mga bagay...

Saan mang bahagi ng mundo, ang ika-14 ng Pebrero ay ipinagdiriwang bilang Valentine's Day o Araw ng mga Puso.

Ang araw na ito ay inilaan ng mundo para sa mga nag-iibigan, babae man o lalaki, bata man o matanda.

Ito rin ay isang espesyal na araw para sa pagpapahayag natin sa espesyal na paraan ng ating walang kamatayang pag-ibig sa isang minamahal. Ang mga paraang ito ay kinabibilangan ng pagpapadala ng love notes sa e-mail o SMS, pagpapadala ng kard, pagbibigay ng bulaklak at chocolates, pag-iimbitang kumain sa labas o manood ng sine at kung anu-ano pa.

Ayon sa ating panauhin, si Joyce, ang Valentine's Day ay simbolikong araw ng pagmamahalan sa isa't isa nang puso sa puso. Ang diwa daw ng "Valentine" ay taos-pusong pagmamahal. Sige, Joyce, sabihin mo sa kanila kung sino ang iyong valentine, ha-ha-ha-ha. Huwag mong kalimutang bumati...

Nais kong ipaalala sa inyo na kayo ay nakikinig sa programang Alam Ba Ninyo, hindi sa Dear Seksiyong Filipino. Siguro talagang walang valentine si Joyce. Ang sinabi niya ay Dear Seksiyong Filipino. Hindi, nagbibiro lang ako. Ako ang may kasalanan 'nun.

Okay, tinanong ko si Joyce kung mayroon siyang idea kung saan nagmula ang Valentine's Day at kung bakit ito isini-celebrate. Sinabi niya konting-konti lang ang alam niya sa historical background nito at vague na vague ang idea niya. Maliban daw sa personal opinion, wala na siyang masasabi hinggil dito...

Inyong binanggit ni Joyce na martyrdom ay sa dalawang santo na kapuwa may pangalang Saint Valentine. Ang isa sa mga ito ay pari na sinasabing lumabag sa kautusan ng emperador nang lihim niyang ikasal ang magkapareha na kapuwa wala pa sa hustong gulang. Ipinagbabawal ng emperador na ito ang pag-aasawa ng mga batang lalaki sa paniwalang ang mga binata ay mas mahusay na sundalo kaysa mga may asawa. Iyong isa namang St. Valentine ay pinatay ng mga Romano nang tumanggi siyang kilalanin ang kanilang mga diyos. Dahil ang Balentinong ito ay mapagmahal sa mga bata, noong siya ay nasa kulungan at naghihintay na bitayin, pinadalhan daw siya ng mga kaibigang bata ng love notes. Siguro dito nagsimula ang pagpapadala ng love note kung Valentine.

Alam ba ninyo kung sino ang nagdeklara sa February 14 na Valentine's Day? Si Pope Gelasius.

Halos magkapareho kami ng obserbasyon ni Joyce na dito sa Tsina, ang Valentine's Day ay mas popular sa nakababatang henerasyon. Hindi gaanong binibigyan ng halaga ng nakatatandang henerasyon ang araw na ito na anila ay para sa lovers lamang...

Sa palagay ko tama si Joyce. Dapat na nating iwaksi ang lumang kaisipan na ang Valentine's Day ay para lamang sa magsing-irog. Dapat din nating alalahanin sa araw na ito ang ating mga magulang, mga kapatid, mga pamangkin, mga lolo't lola, at mga tiyo't tiya. Dapat din nating batiin ang ating mga beneractor, mga malapit at di-malapit na kaibigan, at maging iyong mga malamig ang pagtingin sa atin. Ituring natin silang lahat na ating mga valentine pagsapit ng ika-14 ng Pebrero.

Happy Valentine's Day sa inyong lahat!