• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-14 17:42:07    
Pebrero ika-5 hanggang ika-11

CRI

Sa Manila, Pilipinas. Idinaos dito noong Miyerkules ang ikatlong paligsahang pangkaalaman sa Tsina na magkakasanib na itinaguyod ng departamento ng kultura ng embahadang Tsino sa Pilipinas, kagawaran ng edukasyon at sentro ng edukasyon ng Pilipinas sa wikang Tsino. Ang paligsahang ito ay hindi lamang nakapaglalim sa pagkaunawa ng mga batang Pilipino sa Tsina, kundi nakapaglakas pa ito sa tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Isinapubliko noong nagdaang linggo ng Office of Civil Defence ng Pilipinas ang balita na nagsasabing nitong nakalipas na 2 araw, 13 tao ang namatay at 3 tao ang nawala sa baha at mud-rock flow na dulot ng rainstorm sa dakong silangan at timog ng Pilipinas, samantala, 30 libong tao ang lumisan ng kanilang lupang tinubuan. Napag-alamang nasalanta ng mud-rock flow kahapon ang isang lunsod sa dakong gitna ng Leyte Island ng Pilipinas na ikinamatay ng di-kukulanging sa 7 tao. Nang araw ring iyon, ang lalawigang Surigao del Sur at lalawigang Agusan del Norte sa Mindanao Island ay dinalaw ng baha na ikinamatay ng 6 tao. Mula noong katapusan ng nakaraang linggo, mahigit 30 libong tao ang sapilitang lumipat dahil sa baha at mud-rock flow.

Ipinatalastas dito sa Beijing noong Martes ni tagapagsalita Kong Quan ng ministring panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni premyer Wen Jiabao ng Tsina, mula ik-14 hanggang ika-18 ng kasalukuyang buwan, si Soe Win, P.M. ng Myanmar ay dadalaw sa Tsina. Sinabi ng tagapagsalitang Tsino na umaasa ang panig ng Tsina na ibayo pang mapapalawak at mapapalalim ng pagdalaw na ito ang tradisyonal na relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa sa bagong kalagayan.

Sa Phang Nga, Thailand. Idinaos dito noong Miyerkules ang seremonya ng pagtatatag ng "friendly villages ng mga krus na pula ng Tsina at Thailand" -- isa sa mga pangunahing proyekto ng pagbibigay-tulong ng Tsina sa mga purok ng Thailand na nasalanta ng tsunami. Noong katapusan ng 2004, sinalanta ng tsunami ang Thailand, at ang Phang Nga ay ang isa sa mga lalawigan nito na pinakagrabeng sinalanta. Upang matulungan ang mga purok ng kalamidad ng Thailand sa muling pagtatayo ng kanilang lupang-tinubuan, naglaan ang Tsina ng pondo para sa pagtatayo ng 40 pabahay at mga may kinalamang instalasyon sa naturang nayon sa bayang Kuraburi ng Thailand.

Sa Bangkok, Thailand. Ipinatalastas dito noong Martes ni Peng Peiyun, babaeng puno ng China Red Cross Society na inabuloy ng samahang ito ang 3.5 milyong dolyares sa Thailand Red Cross Society para sa magkasamang pagsasagawa ng proyektong pangkooperasyon tungkol sa rekonstruksyon ng mga nasalantang purok ng tsunami. Winika ito ni Peng sa seremonya ng pagbubukas ng kauna-unahang "simposyum ng Red Cross ng Tsina at Thailand" na idinaos nang araw ring iyon. Umaasa aniya ang panig Tsino mapapataas sa bagong lebel ang pagpapalitan ng dalawang panig sa aspekto ng red cross.