Sa kasalukuyan, ang Zhongguo o China sa Ingles ay pinaikling Republika ng Bayan ng Tsina. Ang salitang Zhongguo, na ang literal na kahulugan ay sentro ng mga bansa, ay may iba't ibang kahulugan noong sinaunang panahon. Pero, ang pangunahing eksplanasyon para sa pinanggalingan ng pangalang ito ay ang sumusunod: Ang salitang Zhongguo ay kauna-unahang lumitaw sa Shang Dynasty (noong mga 1700-1100 BC). Noong panahong iyon, iba't ibang "dukedoms" ang magkakasabay na umiral sa ilalim ng hari ng Shang. Kahit ano pa ang kanilang laki, ipiniproklama nila ang kanilang sarili na "monarchy". Ang relasyon sa pagitan ng nabanggit na mga "dukedoms" at sentral na pamahalaan ng Shang Dynasty ay ginambala ng "periodic cycles" ng kapayapaan at digmaan. Ang purok na direktang nasa ilalim ng pamamahala ng Haring Shang, datapwa't hindi malawak, ay sinimulang tawaging Zhongguo dahil naroon ang luklukan ng pamahalaang sentral, at iyon din ang sentrong pampulitika, pangkultura at pang-ekonomiya ng kaharian. Bukod dito, ang purok ay sentrong heograpikal din ng lahat ng mga "duke states". Diyan nagsimula ang pangalang Zhongguo.
Pagkatapos ng Shang Dynasty, marami pang kaharian ang naghari sa Tsina. Sa kabila ng digmaan at sagupaan, napanatiling nagkakaisa ang Tsina sa bandang huli at nanatili ang pangalang Zhongguo na ginagamit pa hanggang sa kasalukuyan.
Ngayon, dadako tayo sa world view ng mga mamamayang Tsino.
Nababahala ang mga pilosopo ng Tsina noong sinaunang panahon sa relasyon ng "Langit" at "sangkatauhan". Ipinaliwanag nila ang "Langit" bilang likas na penomena at batas ng kalikasan na di-abot ng kalooban ng tao at ang "sangkatauhan" naman bilang produkto o bahagi ng kalikasan. Sinabi ng isang thinker noong unang panahon na "sa simula, tanging langit at lupa lamang ang eksistido, pagkatapos lumitaw ang lahat ng mga buhay sa kalikasan, at sa bandang huli ang tao, at mga mag-asawa."
Ang sangkatauhan, bilang produkto ng kalikasan, ay dapat sumunod sa mga natural na batas. Ang lahat ng mga deklarasyon, aksyon o prisipyo na labag sa mga batas ng kalikasan ay itinuturing na mali. Sa gayon, naging pinakabuod ng "world view" ng mga mamamayang Tsino ang pagtalima ng Langit at tao ang paggalang sa Langit at pangangalaga sa tao. Ayon sa makataong pilosopiyang ito, itinuturing ang mga tao bilang integral na bahagi, at hindi alipin ng Langit. Samakatuwid, hindi bago sa Tsina ang idea ng "human rights".
Sinasabi ng isang popular na salawikain na sa tag-sibol, huwag putulin ang mga punong kahoy sa bundok, at sa tag-init, huwag mangisda sa mga ilog, bagay na nagpapatunay rin sa pagmamahal ng mga Tsino sa kalikasan at pagkakaisa ng sangkatauhan at kalikasan. Naniniwala rin ang mga Tsino noong unang panahon na nagko-kompliment ang Langit at sangkatauhan. Sa pagkakaunawa nila sa sarili nilang lakas, maaaring lumikha ang sangkatauhan ng isang "human society" na maamo sa kalikasan sa pamamagitan ng pagpapasulong ng mga merito ng kalikasan at pagpapawi sa mga demerito nito.
Ang nabanggit na mga "world view" ng mga Tsino, maamo sa kapaligiran ay para namang nakaka-malikmata at nakaka-intriga, nakaaakit ng mga iskolar na mula sa iba't ibang parteng daigdig.
|