Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksyong Filipino 2006. Nasa kabilang linya ng telepono si Red Chico... Red, pasok!
Alam kong marami na sa inyo ang nakakakilala kay Red Chico. Pero para doon sa hindi pa, si Red ang reporter ng Serbisyo Filipino sa Maynila. Tumawag siya ngayong gabi para ihatid ang pinakahuling balita na may kinalaman alitan nina Snooky at kanyang mister. Pero sabi niya, bago siya mag-ulat, gusto muna niyang ipaabot ang kanyang wish para sa mundo sa taong 2006.
Narito si Red...
Bilang karagdagan dito, sinabi pa ni Red na sana daw sa Pilipinas ay magkaroon ng konting milagro at magkaisa na ang lahat ng mga pulitiko at pagtuunan ng pansin ang kabuhayan ng bansa na grabe nang naaapektuhan ng kanilang labis na pagbabangayan.
Ngayon, alam kong matagal na ninyo itong hinihintay. Narito si Red para sa kanyang showbiz-balita…
Puputulin natin ang live report ni Red dahil meron tayong technical problem. Ayon sa kaniya, sinabi raw ni Snookey na desidido na itong hindi nakipagbalikan kay Ricardo dahil hindi na niya masikmura ang paninira sa kanyang ng dating asawa. At least may idea na kayo gustong sabihin ni Red.
Muli, humihingi ako ng paumanhin sa pagkakaroon ng ganitong problema.
Iyan ang isa sa mga trabaho ni Red Chico, pasayahin kayo sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga nakakakiliting balitang-artista...
Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksyong Filipino.
Ang liham na bibigyang-daan natin nagyong gabi ay padala ni Diana Infante ng Congressional Road, Quezon City.
Sabi ni Diana:
Dear Kuya Ramon,
Happy New Year at belated Merry Christmas. Happy Three Kings din pala.
Alam mo kuya, may tatlong wishes ako para sa 2006: Ang no.1 ay para sa iyo. Sana sa buong taon maging malakas ka at dumami pa ang iyong mga tagahanga dahil deserve mo ang malaking kampo ng fans. Ang no.2 ay para sa China. Sana maging consistent ang pag-unlad nito para naman magkaroon ng pagkakataon ang ibang bansa, lalo na iyong may mga naghihingalong ekonomiya, na magkaroon ng Share sa Chinese market. Ang no.3 ay para sa mundo. Sana mabawasan naman ang kaguluhan sa mundo kung hindi man tuluyang mawala.
Iyong Gabi Musika mo sa 7.180 ko pinakikinggan. Maganda signal.
Thank you nga pala kuya sa greeting card mo. Sensiyal ka na lang hindi ako nakapagpadala.
Huwag ka lang magwo-worry. Hindi ko pinababayaan ang iyong mga programa lalo na ang Dear Seksyong Filipino.
Okay, kuya, hanggang dito na lang ito.
Bye bye for now.
Love and Care Diana Infante Congressional Road Proj. 8, Quezon City Philis.
Thank you so much, Diana, sa iyong liham at wishes para sa amin. Happy New Year din sa iyo.
|