Sapul noong panahon ng sinaunang Tsina, ang kahanga-hangang kagandahan ng Lake Taihu at ng Wuxi City ng silangang Tsina ay nakakaakit na sa mga makata, pintor, manunulat at dakilang personahe. 3 oras na biyahe lamang ito sa tren mula sa Shanghai.
Bilang isa sa limang pangunahing lawang tabang ng Tsina, ang Taihu ay may saklaw na 2400 kilometro kuwadrado. Bilang isang "natural reservoir", nagkakaloob ito ng nakapagbibigay-buhay na tubig sa malawak na lupa na bukod sa butil ay nagpoprodyus din ng dalandan, peras, "loqual", "apricot", at iba pang mga prutas at maging ng bantog na uri ng tsaa na tinatawag na Bilouchun.
Para doon sa mga magustuhin sa dagat, meron isang espesyal na "appeal" ang lawak ng lake Taihu--mula sa anumang lugar hindi nakikita ang ilang bahagi ng baybayin. May 3 magkakakabit na isla sa lawa. May nagsasabi na ulo, katawan, at buntot ng isang pawikan. Kung pupunta ka sa mga isla sa pamamagitan ng bapor, makikita mo ang mga tradisyonal na "pavilions" at "arbors" na nasa gitna ng may malalagong dahong punong kahoy at mga namumukadkad na bulaklak.
Sa pampang ng lawa ay ang Plum Garden, Li Garden at Tortois Garden na pawang kilala sa bukod-tangi nilang kagandahan at kasaysayan. Ang Tortois Head Garden ay ang pinakamalaki sa mga ito. Umaabot sa lawa na parang isang pawikang naglalaro sa tubig, ito ang nagbibigay ng pinakamagandang tanawin ng lawa. Kapag maulap lalo itong nagiging mas matulain. Ang nababalutan ng manipis na ulap na mga Turtle Islet sa background, at ang isang nagdaraang bangkang pangisda sa harap ay isang tanawin na nakikiya lamang sa tradisyonal na "landscape painting" ng Tsina. Pinipili ng mga bisita na dumaan sa pagitan ng mga "rocks" upang makitan nila ang kilalang nila ang kilalang inskripsyon sa isang dalisdis na inukit ng isang manlalakbay noong panahon ng Ming Dynasty. Ginawa sa mariing "strokes", sinasabi nito: nakayakap sa Wu at Yue. Talagang napakalaki ng Taihu Lake kayat nasasakop nito ang bahagi ng Wu at bahagi ng Yue, ang mga sinaunang pangalan para sa Jiangxi at Zhejiang provinces.
Ang Li Garden ay nasa isang tahimik na lugar sa pampang ng lawa. Ayon sa alamat noon daw panahon ng Warring States sa ika-5 siglo B.C., sinakop ng "state of Yue" ang "state of Wu". Pero, natuklasan ni Fan Li, premyer ng Yu na makitid ang pag-iisip ng hari ng kanyang bansa. Alam niya magiging mahirap para sa kanya na magtrabaho para sa hari, kaya nagbitiw siya sa kanyang tungkulin. Hindi natagalan pagkatapos ng kanyang resignasyon, namangka siya sa Lake Taihu, sa ilalim ng liwanag na buwan, kasama ang kanyang asawa na si Xishi, isang kilalang magandang babae sa kasaysayan ng Tsina at nagpalipas ng gabi sa pampang ng lawa. Dito itinayo ang garden at isinunod ito sa kanyang pangalan. Kahit hindi naman kalakihan buong ingat naman itong idinesenyo. Pagpasok mo sa isang hugis-buwang tarangkahan, hahakbang ka sa isang sementadong daanan na sa dulo ay may nakatayong matayog na burol na gawa ng tao. Sa taluktok ng burol, nakikita mo ang mga magagandang pabilyon at tulay sa ibabaw ng pond at sapa na ang nagsisilbing "backdrop" ay ang lawa. Sa kabila ng burol, matatagpuan mo ang isang mahabang "gallery" na may isang gulid na bukas patungo sa lawa. May 89 bintana sa dingding sa loob na ang bawat isa ya napipintahan ng ibang disenyo. Ang inskripsyon ng maraming tanyag na "calligrapher" at manunulat ng Song Dynasty ay nakaukit sa dingding.
Ang "plum garden" na may 6000 "plum trees" ay nasa dalisdis ng isang burol. Ang mga bulaklak dito ay kilala sa pagkakaroon ng iba-ibang uri at mahabang panahaon ng pamumukadkad. Kapag tag-lamig, lalo na pagkatapos mag-snow nagsasadya dito ang mga tao upang kagiliwan ang kahali-halinang bulaklak na lumalago sa kabila ng malamig na panahon at para masamyo ang halimuyak ng mga ito. Isang kilalang "delicacy" ng Taihu Lake ang "plum" dito. Pagkatapos pinasin ang prutas, pinipreserba ito sa asin, asukal at "sweet osmanthus". Dahil sa ganitong pagkakapreserba ang bango nila ay pinaghalong tamis at anghang.
|