• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-23 10:44:08    
Nayon ng Huaxi, sumusulong sa bagong target

CRI
Ang Nayon ng Huaxi ng Lalawigan ng Jiangsu sa dakong silangan ng Tsina ay tinatawag na numero-unong nayon sa Tsina at kilalang kilala sa napakabilis na pag-unlad ng kabuhayan nito. Sa kasalukuyan, may isang bagong target ang nayong ito: gusto nitong pamunuan ang mas maraming nayon ng bansa para tumahak sa landas ng pag-unlad ng kabuhayan at pananagana ng pamumuhay.

Ang pag-unlad ng kabuhayan ng Huaxi at pagiging masagana ng pamumuhay ng mga mamamayan nito ay ipinakikita ng mga bilya sa nayon. Sa Huaxi, ang bawat pamilya ay may bilya na may magandang palamuti at mga modernong muwebles at mga kasangkapan sa bahay. Si Madam Wu ay hindi exception. Ang kanyang pamilya ay may isang tatlong palapag na bilya na may saklaw na mga 600 metro kuwadrado at mayroon din itong swimming pool at garahe. Nang mabanggit ang kanyang pamilya at tahanan, sinabi ni Madam Wu na,

"4 kami sa aming pamilya: ako, ang aking asawa at dalawang anak. Binayaran na namin ang lonn para sa pagtatayo ng bilya at may nalalabing ilang milyong yuan RMB ng deposito sa bangko. 3 ang kotse namin. Noong araw, inilagay namin ang mga bisikleta sa garahe at malaking espasyo ang naiiwan, ngunit sa kasalukuyan, ang garahe ay maliit para sa tatlong kotse at kailangang iparada namin ang isa sa labas."

Ayon kay Wu, noong unang panahon, ang Nayon ng Huaxi ay isang karaniwang nayon at walang anumang espesyal na bentahe para sa pag-unlad. Anya, ang kasalukuyang tagumpay ng nayon ay utang kay Wu Renbao, taong nagsimula ng pag-unlad ng Huaxi.

Si Wu Renbao ay isang katutubong magsasaka ng Nayon ng Huaxi, ngunit nakabago ang kanyang ideya at malakas ang loob niya pagdating sa mga bagong bagay. Noong ika-6 na dekada ng nagdaang siglo, sa pamumuno niya, pinatakbo ng nayon ang mga bahay-kalakal ng asero, paghahabi, pananamit, arkitektura at iba pa at nagpasulong ang industriya sa kabuhayan ng nayon. Kaugnay ng mga pagbabago ng nayon nitong mga taong nakalipas, buong liwanag na nilinaw ito ng 76 na taong gulang na si Wu. Sinabi niya,

"Noong taong 1978, ang kabuuang halaga ng produksyon ng Nayon ng Huaxi ay mga isang milyong yuan RMB, noong isang taon, ito ay umabot sa 10.5 bilyon at sa taong ito, ito ay inaasahang aabot sa 20 bilyon. Noong 1978, ang taunang karaniwang kita ng mga taga-nayon ay 220 yuan RMB at sa kasalukuyan, ito ay umabot sa 60 libong yuan."

Nitong mga taong nakalipas, ang taunang paglaki ng kabuhayan ng Huaxi ay nananatili sa mga 20%. Ayon sa mga taga-Huaxi, may dalawang pangunahing dahilan para sa pagpapanatili ng bahagdang ito. Isa ay kanilang pagpapahalaga sa akumulasyon. Sa karaniwan, ginagamit ng mga taga-nayon ang isang-kaatlo ng kanila kita para sa pang-araw-araw na konsumo at namumuhunan ng mga nalalabi sa mga bahay-kalakal. Sa tulong ng mga pondong ito, mas mabilis na umuunlad ang mga bahay-kalakal, nagiging mas mabuti ang kapakinabangan at dumadami rin ang kita ng mga mamamayan. Ang isa pa ay makatuwiran at mahusay na paggamit ng iba't ibang yaman ng nayon na kinabibilangan ng yamang-tao.

Sa kasalukuyan, ang dalawang elementong ito ay hindi na lihim ng Huaxi, dahil nalalaman na ito ng parami nang paraming nayon ng Tsina. Sa ilalim ng target ng pamumuno ng mas maraming nayon ng bansa na tumahak sa landas ng pag-unlad ng kabuhayan at pananagana ng pamumuhay, inihahatid ng Huaxi ang mga ideyang ito at mga iba pang karanasan sa mga nayon ng bansa. May isang halimbawa ng mga hakbang ng Huaxi para sa pagsasakatuparan ng target na ito. Nabuo nito at mga nayong nakapaligid ang Kalakihang Nayon ng Huaxi para direktang tulungan ang mga nayong ito sa pag-unlad. Inilahad ni Madam Wang Li ang hinggil dito,

"Pagkaraan ng taong 2001, isinama namin ang 14 na nayong nakapaligid sa Nayon ng Huaxi. Pagkaraan ng pagsasama, unang nilutas namin ang problema ng mga mamamayan ng mga nayong ito sa tirahan. Pagkatapos, nilutas din namin ang mga problema sa empleyo at home for the aged. Sa kasalukuyan, ang halaga ng mga ari-arian ng pinakadukhang pamilya sa nayon namin ay umabot sa 80 libong yuan RMB at nagsisikap kami para sumulong ang kanilang pamumuhay sa isang bagong lebel sa loob ng darating na 3 taon."

Ayon sa mga taga-Huaxi, mayroon silang tatlong dahilan para magsaya: sagana ang pamumuhay, magaang ang loob at malusog ang pangangatawan. Lipos sila ng pananalig anila na marami pang taga-nayon ng Tsina ang makakaranas ng nasabing kasiyahan.