• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-23 16:46:09    
Let-let Alunan: Happy Spring Festival sa inyong lahat!

CRI
Sa seksiyong Filipino,

Happy Spring Festival sa inyong lahat!

Maraming dahilan kung bakit kaakit-akit sa mga negosyanteng dayuhan at mga bahay-kalakal na dayuhan ang bansang Tsina, pero ang pinaka-numero unong dahilan ay ang mababang bahagdan ng kriminalidad. Sino ba namang matinong mangangalakal ang maglalagay ng limpak-limpak na salapi sa bansa na alam niya ay laganap ang kriminalidad? Kaya't itong katiwasayang panlipunan na ito ay malaking bagay sa pagkakaroon ng Tsina ng atraksiyon sa mga negosyanteng dayuhan. Ngayong nagbalik na ang Macao sa dibdib ng inang-bayan, nagsimula na ring magdagsaan dito ang mga dayuhan kaparis ng nangyayari sa mainland. Kaya noong sabihin ninyo na ang paiiraling sistema sa Macao ay tulad din ng sa Hong Kong, hindi ako sumang-ayon dahil ang kalagayan ng Hong Kong ay malayung-malayo sa kalagayan ng Macao. Dapat kontrolin ng Tsina ang Macao nang buong higpit para makaliha ng magandang work atmosphere at ng investment atmosphere.

Kahanga-hanga ang pagbibigay ng lubos na atensiyon ng gobyernong Tsino sa pagsasaka. Ito ang dahilan kung kaya nagkaroon ng masaganang ani ang bansa at ito namang masaganang ani ang dahilan kaya't hindi nasasalat sa pagkain ang bilyun-bilyong mamamayang Tsino. Sana tularan ito ng ibang bansa sa Asya.

Hiling ko sa Itaas na sana sa papasok na Chinese New Year, amatiling masagana ang ani ninyo at matiwasay ang paligid.

Promise, susulat uli ako.

Hindi nakakalimot,
Let-let Alunan