• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-27 16:38:39    
2006 Year of the Dog: makulay, matunong at makahulugan

CRI
Ngayong araw ay Spring Festival pa rin naman kaya hindi pa huli kung bigyang-daan natin ang bating pambagong taon ng tatlong kababayan. Unahin natin ang kay Shawee na mula sa Beijing...

Iyan si Shawee Go na naninirahan sa silangang bahagi ng Beijing.

Ngayon, dumako naman tayo sa Alemanya, sa kinaroronan Let-let Alunan...

Iyan naman ang tinig ni Let-let Alunan na tumatawag mula sa Germany. Si Let-Let ay dating pangulo ng CRI Filipino Listener club.

Pakinggan naman natin ang tinig ni Red Chico mula sa Pilipinas. Red, pasok!

At iyan ang matutunog na tinig nina Shawee Go, Let-Let Alunan at Red Chico mula sa Tsina, Alemanya at Pilipinas.

Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino.

Ang liham ng bibigyang-daan natin ngayong gabi ay padala ni KC Dichoso ng Old Sta. Manila, Philippines.

Sinabi ni KC...

Dear Filipino Service,

Sana tulad din ng tilaok ng manok, ang kahol ng aso ay maghatid sa inyo ng grasya at ginhawa.

Paano ninyo isi-celebrate ang Year of the Dog? May mga paputok din ba tulad noong Janurary 1st? May mga torotot din ba at lata na kinakaladlad ng kotse? Salamat doon sa album na ibinigay ninyo, iyong may currencies ng Asean Contries. What a handsome collection!

Paganda nag paganda ang inyong Gabi ng Musika at habang tumatagal nagiging interesting din ang mga laman ng mga binabasang sulat ni kuya Ramon. Habng tumatagal sumasarap din ang kaniyang Cooking Show.

Next Week tatawag ako para sa recipe exchanges. May mga alam akong luto na nasisiguro kong magugustuhan ng mga nakikinig sa inyong Cooking Show.

Hinihintay ko ang inyong Guessing Game sa Gabi ng Musika. Akala ko ba December iyo? Hinihintay ko rin ang results ng inyong Knowledge Contest tungkol sa Taiwan.

Oh! I have to end up here. Baka lampas na sa haba.

Thank you and regards to Kuya Ramon.

KC Dichoso

Old Sta. Mesa, Manila

Philippines

Maraming-maraming salamat KC sa iyong liham at sa iyong positive feedback. Kung meron kang suggestion sa alinman sa aming mga programa, huwag kang mahihiyang magsabi. Isulat mo lang sa amin. Salamat uli at Happy New Year din sa iyo.