Mga sangkap
200 gramo ng sariwang beef 600 gramo ng pumpkin o kalabasa 1 scallion na pinutul-putol sa habang isang sentimetro
Para sa seasonings
Unang seasoning: 1 kutsarang cooking sherry 1/2 kutsarang soy sauce 1/2 kutsarang cornstarch
Ikalawang seasoning: 1/2 kutsarang asin 1/2 kutsarang soy sauce 1/2 kutsarang mixture ng cornstarch at tubig
Paraan ng pagluluto
Hiwa-hiwain ang karne ng baka tapos ibabad sa seasoning no.1 sa loob ng 10 minuto.
Hugasan, talupan at hiwa-hiwain nang makapal ang kalabasa, ilagay sa kawali at igisa sa 2 kutsarang mantika. Lagyan ng kalahating kutsaritang asin at kalahating kutsarang soy sauce ayon sa seasoning no.2, at kalahating tasang tubig bilang karagdagan. Pakuluin, bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 10 minuto.
Iprito muna ang karne tapos ilagay sa ibabaw ng kalabasa at takpan. Ilaga pa sa loob ng 2 minuto. Tanggalin ang takip ng karne at baligtarin ang karne hanggang sa magbago ang kulay. Ilagay ang pinutul-putol na scallions, ang cornstarch na may tubig ayon sa seasoning no. 2 at haluin hanggang maging opaque ang scallions. Isilbi.
|