Ang Mataas na Paaralan ng Wenchang ay nasa Wencheng Town sa lunsod ng Wenchang, lupang tinubuan ng maraming mandarayuang Tsino sa ibayong dagat. Ang paaralang ito ay naityo noong 1908 at ang sinundan nito ay Mataas na Paaralan ng Weiwen ng Bayan ng Wenchang, isa sa mga pinakamatandang high school sa Lalawigang Hainan. Ang dating luklukan nito ay nasa Chengnei Street ng Bayan ng Wencheng. Ang Mataas na Paaralan ng Wenchang ay may sakop na 40 hektarya. Maganda ang tanawin doon at tahimik at malinis ang kapaligiran nito. Ang sakop ng kampus nito ay itinuturing na pinakamalaki kumpara sa lahat ng mga mataas na paaralan sa buong bansa.
Kumpleto at mahusay ang mga pasilidad para sa pagtuturo. May laboratoryong pisikal, laboratoryong kemikal, laboratoryong bieolohikal, silid-aralan para sa pag-aaral ng kompiyuter, e-mail reading room at silid-aralang multimidiya. Ang sakop ng akalatan ng paaralan ay umaabot sa 2,400 metro kuwadrado. Marikit ang kapaligiran nito at makapaglalaman ng 150,000 aklat. Sa kasalukuyan, may mahigit 60,000 aklat dito lahat-lahat. Ang sports court at stadium ay nagsisilbing ideyal na lugar para sa pagsasanay na pampalakasan at iba pang uri ng aktibidad na pang-isports. May nakakabit din sa paaralang palimbagan at pagawaan para sa pagpoporseso ng niyog at makakatugon ang mga ito sa pangangailangan ng mga estudyante sa paglinang ng kanilang kaugalian sa pagtatrabaho at sa pagpapaunlad ng kanilang kakayanhan sa pagtatrbaho.
Nitong ilang taong nakalipas, mahigit 300 mandarayuhang Tsino at kababayang taga-Hong Kong at Macao ang nag-abuloy ng mahigit 13 milyong Yuan upang mapalawak pa ang kampus ng paaralan at madagdagan ang mga impraestruktura ng paaralan. Ang kasalukuyang saklaw ng mga gusali ng Paalaran ay 55,000 metro kuwadrado. Sinabi ni Prinsipal Xie ng Mataas na Paaralan ng Wenchang:
"Ang pondo ng aming paaralan, pangunahin na ay galing sa puhunang abuloy ng mga mandarayuhang Tsino sa Indonesia at Singapore. Halos lahat ng mga gusali sa loob ng kampus ay itinayo sa pamamagitan ng pondo ng mga mandarayuhang Tsino. Halimbawa, ang katatapos na sientific ang technologocal room ay itinayo sa pamamagitan ng pondo ng pangalawang puno ng Samahang pang-komersiyo ng Hainan sa Hong Kong."
May 184 guro lahat-lahat ngayong sa Paaralan ng Wenchang, dalawa sa kanila ay may titulong espesiyal na uri. Mahigit 3500 ang mga estudyante. Nang mabanggit ang pagsasanay ng mga guro, sinabi ni Prinsipal Xie:
"Ang mga dalubhasa sa sektor ng edukasyon na galing sa Kolehyo ng Eduksyon at institutong normal sa Lalawigang Hainan ay nagsadya sa aming paaralan upang sanayin ang mga guro namin. May binuo ding mga training class agn mismong paaalaran bilagn pagbibigay ng kinakailangang pagsasanay sa aming guro sa pamamagitan ng aming sariling lakas."
Ang mga nagtapos sa paaraagn ito ay makikita sa buong daigdig. Iran sa kanila ay kilala sa lanilang tinitirhang bansa at rehiyon.
Mahusay ang kalidad ng pagtuturo ng paalaran, kaya maraming deses na ginatimpalahan ng nakatataas na departamentong pang-edukasyon. Palaging nangunguna ang mga estudyante nito sa pamantasan. Sinabi ni Mr. Huwang, namamahalang tauhan na responsible sa siliranin ng pagtuturo ng paalaran:
"Mahigit 200 mag-aaral sa aming paaralan ay kwalipikado sa pambansang ekasmanasuyon para sa pagpasok sa mga pangunahing pamantasan ng bansa. Noong isang taon, may tatlong mag-aaral na naka-inrole sa Qinghua University at Beijing University."
Bukod rito, upang mahubog ang kamalaya nng mga mag-aaral sa pagmamahal sa paaralan at mabigyan sila ng mas mabuting kondisyon sa pag-aaral, binibigyan namin ng mataas na pagpapahalaga ang pagbuo ng isang magandang estilo ng pag-aaral para sa mga estudyante. Sinabi ni Mr Huwang:
"Sa aspekto ng pamamahala sa paaralan, isang pangkat ang binuo ng upang siyang mangalaga sa paaralan at sa ganitong paraa'y mahubog ang kamalayan ng mga mag-aaral sa pagmamahal sa paaralan. At isa pa, mababait ang mga mamamayan dito, kaya mabuti ang kalagayan ng seguridad na pampubliko. Panatag ang loob ng mga magulang ng mga mag-aaral sa aming paaralan."
Patuloy pa rin ngayon sa pagsulong ang Wenchang at kasunod ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan ng bansa, tiyak na sasalubungin nito ang isang mas maaliwalas na kinabukasan.
|