• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-06 22:34:57    
Greetings para sa pagbubukas ng NPC at CPPCC mula sa mga tagapakinig

CRI
Ngayon meron tayong long-distance voice mula sa Hong Kong at mula sa Maynila. Unahin natin ang tinig ni Shawee Go na ngayon ay nasa business trip sa Hong Kong.

Sabi ni Shawee tuwang-tuwa daw ang mga kababayan sa Hong Kong na malaman na siya ay galing sa Beijing at kilala niya ang pinoy broadcaster ng CRI.

Ang totoo tumawag si Shawee para itanong kung meron akong mensahe para sa mga kababayang tagapakinig sa Hong Kong at kung meron akong gustong ipabili doon.

Pero humaba nang humaba ang aming usapan at kung anu-ano ang napagdiskusyonan namin. Ang isa rito ay ang buhay ng OCWs sa Saudi.

Sabi ko sa kaniya karamihan sa mga kabakbayang ito ay naho-homesick at natutuwa akong malaman na naiibsan ang kanilang pangungulila ng pag-aaral nila ng Chinese resipes sa aming Cooking Show. Ganito naman ang sagot ni Shawee:

"Maganda iyong idea ng ilang kababayan sa Saudi na mag-aral magluto sa inyong Cooking Show para hindi sila ma-homesick. Iniimbitahan ko rin sila na sumali sa recipe exchange on the air para maging busy sila pagkatapos ng trabaho."

Alam ninyo lahat ng mga balita tungkol sa China ay nakakarating sa mga kababayan sa Gitnang Silangan. Ayon na rin sa kanila, alam na alam nila na pataas nang pataas ang standard of living ng mga Chinese at ang kasalukuyang standard of living nila ay mas mataas pa kaysa sa kanilang counterparts sa ilang mauunlad na bansang miyembro ng ASEAN. Sinabi rin nila na ini-imagine nila kung paano ang buhay ng mga Chinese sa mainland at isa sa mga pangarap nila ang makarating sa china.

Kaugnay nito, sinabi ni Shawee na,

"Napakalaki ng pagbabago ng China. Higit na mataas ang level ng pamumuhay ng mga Chinese kaysa sa kanilang counterparts sa mga bansang members ng ASEAN. Magandang magpunta sila rito para Makita nila kung gaano na kalayo ang progress ng China."

Sa pag-uusap namin nabanggit din ni Shawee na malapit nang magsimula ang National People's Congress. Nagulat nga ako, e.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Ikaw ang taga-radyo, dapat ikaw ang unang makaalam." sabi niya.

Anyway, sabi ni Shawee gusto niyang batiin ang mga kinatawan ng National People's Congress sa pagsisimula ng kanilang session. Alam daw niya na maraming indibiduwal, organisasyon at bansa ang lihim na humahanga sa NPC dahil ito ay tunay na kongreso ng bayan at ito ay mabilis magtrabaho at maraming achievements.

"Malapit nang magsimula ang National People's Congress. Good luck sa lahat ng deputies ng NPC. Alam ko na maraming bansa ang lihim na humahanga sa NPC kasi mabilis itong magtrabaho at maraming achievements."

Ngayong araw ay opening ng CPPCC, Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino. Naalala ko na noong isang araw lang nabanggit ito ni Remy, Remedios Abad ng Maynila. Alam niyo mahilig sa buhay-pulitika itong si Remy kaya interesado siya rito. Sabi niya maganda raw itong consultative system na ito ng Tsina kasi naipaparating sa kinauukulan ang hinaing ng mga mamamayan sa pamamamagitan ng advisory body na ito. Narito ang eksaktong pangungusap ni Remy:

"Siyempre bago ang lahat, gusto ko munang ipaabot ang pagbati ko sa pagbubukas ng CPPCC. Maganda ang pagkakaroon ng Tsina ng political consultative system kasi malalaman ng congress ang nararapat na batas para sa pangkaraniwang mamamayan sa pamamagitan ng advisory body na ito. Sana matalakay ng kanilang meeting ang mga isyu na may kinalaman sa environment atsaka sa public health. More power sa CPPCC."

At iyan ang mga tinig nina shawee go at Remedios Abad mula sa Hong Kong at Maynila.