Ang Tsina ay isang bansang may pinakamalawak na saklaw ng pagtatanim ng punong-kahoy sa daigdig. Sa kasalukuyan, ang lawak ng artipisiyal na pagtatanim ng punong-kahoy ay lumampas sa 44 milyong hektarya na katumbas ng 4.6% ng pambansang lupain. Ang pagtatanim ng punong-kahoy ay hindi lamang nagpabago sa natural environment ng Tsina, ito ay nagpapabuti pa sa kalidad ng mga bahay at pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Kung maglalakbay ka ng Beijing, kapital ng Tsina sakay ng eroplano, sa pagtungo ninyo sa kanugnog na purok sakay ng kotse mula sa paliparan, makikita ninyo ang malalabay na mga puno sa magkabilang galid ng daan at malawak na damuhan.Sa tingin ni Yu Guolun, residente ng Beijing, berdeng-berde at masiglang masigla ang matanda at makabagong malaking lunsod na kabisadong kabisado niya,
"Mabuting mabuti ang mga gawain hinggil sa pagluluntian ng Beijing nitong ilang taong nakalipas. Mahusay din ang pagsasaluntian ng bagong itinatayong komunidad na pinaninirahan ko. Gusto kong mag-ikut-ikot sa komunidad kasama ng anak ko o maglakad-lakad sa parke sa paligid nito ang sarap ng pakiramdam ko."
Sa kasalukuyan, bukod sa paghikayat ng Tsina sa mga mamamayan na magsagawa ng kompulsaryong pagtatanim ng punong-kahoy, marami ring proyekto na may kinalaman sa pangangalaga sa kagubatan ang inilaan ng bansa, at para sa mga manggagawa na kalahok sa ganitong proyekto, nagkakaloob ang bansa ng ilang subsidy. Dahil ang karamihan sa mga proyekto ng pangangalaga sa kagubatan na isinasagawa ng Tsina ay nasa malawak na kanayunan, ang mga magsasaka ang nagiging pangunahing beneficiary ng naturang proyekto. Sinabi ni Ginoong Wei Diansheng, puno ng departamento ng pagtatanim ng punong-kahoy ng kawanihan ng industriya ng panggugubat ng estado ng Tsina na,
"Halimbawa, ang konstruksyon ng proyekto ng pangangalaga sa kagubatan sa dakong hilagang silangan, hilaga, hilagang kaluran at mga purok sa may ilog Yangtze, ay may 1.5 libong Yuan RMB na subsidy sa bawat hektarya. Para sa paglikha ng mabilis na pag-unlad ng kagubatan at materyal ng industriya at iba pa, nagbibigay ang bansa ng mga preperensiyal na patakaran na gaya ng loan."
Nitong ilang taong nakalipas,positibong hinihikayat din ng Tsina ang puhunang di-pampamahalaan na lumahok sa artipisiyal na pagtatanim ng punong-kahoy, lalo na sa mga proyekto ng konstruksyon ng mga kagubatang pangkabuhayan.Wini-welcome ito ng mga magsasaka. Sinabi ni Ginoong Wei na ang mga kagubatang pangkabuhayan na hinihikayat ng bansa ay kinabibilangan ng fruit forest, bamboo forest at iba pa. Sa ilang purok, hinihikayat pa ang paglahok ng mga puhunang di-pampamahalaan sa konstruksyon at pag-unlad ng mga halaman sa mga beauty spot para mapabuti ang kapaligiran at mapataas ang kita ng turismo.
Ang Ningguo, isang lunsod sa lalawigang Anhui sa dakong silangan ng Tsina, ay isa sa mga purok na mahusay ang gawain na may kinalaman sa konstruksyon ng mga kagubatang pangkabuhayan.
Sinabi ni Ginoong Yu Honghan, pangalawang alkalde ng Ningguo na siyang namamahala sa mga gawain ng industriya ng panggugubat, na ang mga proyekto ng konstruksyon ng kagubatang pangkooperasyon ay gumaganap ng mahalagang papel para sa pagpapataas ng kita ng mga magsasaka at pagpapaunlad ng kabuhayan sa lokalidad,
"Ang pag-unlad ng non-public-owned ekonomy ng Ningguo ay hindi lamang nagpapataas sa proporsiyon ng kita ng industriya ng panggugubat sa kita ng mga magsasaka, kundi ito ay nagpapasulong pa sa estratehikong pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan sa mga kanayunan, at ito ay nagsisilbing isang bagong growth point ng pag-unlad ng kabuhayan ng aming lunsod."
Sinabi ni Ginoong Yu sa reporter na nitong isang taong nakalipas, umabot na sa 2.8 libong Yuan RMB ang kita per capita ng mga magsasaka sa lunsod ng Ningguo na lumaki nang mahigit sa 6% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon, at ito ay pataas sa average lebel ng paglaki ng kita ng mga magsasakang Tsino, at mahigit sa kalahati nito ay likha ng pagtatanim ng kagubatang pangkabuhayan. Noong 1997, ang kita ng pagpapaulad ng Ningguo sa industriya ng kagubatang pangkooperasyon ay hindi umabot sa 100 milyong Yuan RMB, pero noong nagdaang taon, ito ay umabot sa 800 milyong Yuan.
|