• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-10 14:10:57    
Apat na kagamitan sa silid-aralan ng Tsina: rice paper

CRI

Ang pinakamahusay mang brush ay mawawalan ng silbi kung walang bagay na mapagsusulatan. Dito sa Tsina, ang pinakatanyag na papel ay ang rice paper o Xuanzhou Paper na ginagawa sa Bayan ng Xuanzhou ng dakong silangang lalawigang Anhui. Ang uri ng papel na ito ay halos nangangahulugan na ng "quality". Para malaman ninyo ang tunay na dahilan kung bakit extraordinary ang papel na ito, dapat na magkaroon muna kayo ng historikal background nito.

Naniniwala ang karamihan sa sambayanang Tsino na ang papel ay inimbento ni Cai Lun, isang "eunuch" sa korte ng dinastiyang Eastern Han, mga 2000 taon na ang nakalilipas. Sa katunayan, katulad ni Meng Tian, hindi inimbento ni Cai Lun ang papel, kundi dinebelop lamang niya nang husto ang teknik sa paggawa nito at sa bandang huli ang kalidad nito.

Ang papel, sa katunayan ay dinebelop sa panahon ng dinastiya ng Western Han, mga dalawang siglo bago ang Eastern Han. Ang papel ni Cai Lun ay ginawa sa pamamagitan ng mga balat ng kahoy, lino, damit na patapon at mga lumang lambat.

Sa maraming daantaon, ang ginagamit sa paggawa ng papel ay ang paraan at hilaw na materyal ni Cai Lun. Sa bandang huli, sa panahon ng dinastiyang Tang na nagsimula noong ika-7 siglo, lumitaw ang unang pilas ng Xuanzhou paper.

Noong unang dako ng dinastiyang Tang, maraming pabrika ng papel ang itinayo sa dakong timog ng lalawigang Anhui. Ang mga tao noon ay gumagamit ng napakakomplikadong proseso sa paggawa ng papel na gumagamit ng balat ng punong sandalwood at dayaming may mataas na kalidad. Pagkaraang maipon ang balat ng kahoy at dayami, pinakukulo muna nila ang mga ito kasama ng apog. Pagkatapos ay papuputiin ito at pakukuluin pa hanggang sa maging malapot na likido bago ito ibuhos at gawing papel. Noong unang panahon,mahigit isang-daan ang steps sa proseso ng produksyon, pero nabawasan na ito ngayon. Karamihan sa mga steps na ito ay puwede nang padaanin sa makina. Gayunman, may mga mahalagang bahagi pa rin ng proseso na dapat gawin sa kamay. Ilang pabrika ang nagtangkang gamitan ng makina ang buong proseso, pero ang resulta'y isang produktong hindi naging kasiya-siya sa mga calligrapher at painter. Ito ang dahilan kung bakit ang tunay na Xuanzhou paper ay ginawa pa rin sa kamay.

Sinabi sa amin ng calligrapher na si Nie Fei na ipinalalagay niyang mas ideal ang manipis na Xuanzhou paper para sa calligraphy at makapal naman para sa painting. Ang tinta ay mas madaling tumagos sa manipis na papel na lumilikha ng malakas at kapuna-punang impact. Sa painting naman mas gusto nila ang ibang epekto.