• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-13 15:48:23    
NPC, Congress of the people, by the people, for the people

CRI
Maraming salamat sa lahat ng mga nagpadala ng greetings para sa pagbubukas ng Chinese People's Political Consultative Conference at National People's Congress. Hindi namin inaasahan na marami sa inyo ang magkaka-interes sa dalawang organong ito. Walang katapusan ang aming pasasalamat.

Ngayong gabi maririnig ninyo ang malayong tinig nina Red Chico at La Trixia Landicho. Doon sa mga hindi nakakaalam, si Red ang nakabase sa Maynilang reporter ng Filipino Service samantalang si La Trixia naman ay isang physical therapist by profession at teacher by occupation.

Pareho silang nagpapahayag ng impression sa NPC pero si Red, bukod sa NPC, ay mayroon rin sa CPPCC.

Sabi ni Red magkaiba ang roles ng NPC at CPPCC pero halos magkasinghalaga dahil sa katunayan sa CPPCC sumasangguni ang NPC sa kanilang legislative work, ang CPPCC aniya, bilang advisory body, ay nagsisilbing pulso ng bayan. Aniya pa:

"Nais ko lang sanang magbigay ng komentaryo tungkol sa naisip ng bansang Tsina na magkaroon ng isang body na kung saan ay puwedeng konsultahin ng mga mambabatas ng National People's Congress bago magpatibay ng isang batas. Sa pagkakatanda ko ito ata iyong Chinese People's Political Consultative Conference. Maganda ang sistemang ito dahil ito ang nagsisilbing tulay upang maipaabot ng mga mamamayan ng bansa ang kanilang mga hinaing at pangangailangan. At dahil dito ang bawat batas na gagawin at ipapatupad ay naaayon sa ikabubuti ng mga mamamayan."

Hinggil naman sa National People's Congress, sabi ni Red nagdadasal daw siya para sa ikatatagumpay ng NPC dahil sa mga bagong batas na mapapagtibay nito at mga batas na maeemyenhdahan nakasalalay ang magiging buhay ng sambayanang Tsino sa mga darating na panahon.

Tinanong ko siya kung ano ang ipinag-iba ng NPC ng China sa ibang kongreso, ang sagot niya:

"Sa tinig ko ang ipinag-iba ng National People's Congress ng China sa ibang kongreso ay ito ay nagtatrabaho directly para sa interes ng mga mamamayan. Hindi ito nagtatrabaho o gumagawa ng batas para i-promote ang interes ng sinumang indibiduwal o alinmang organisasyong o partido kaya ito ay matatawag ding congress by the people and for the people."

Pinuri naman ni La Trixia ang porma ng lehislatura ng Tsina, sa pagsasabing ito ay angkop sa kultura ng sambayangang Tsino at pangkalahatang kalagayan ng Tsina.

Ganito ang kaniyang sinabi:

"Siguro alam mo naman na ang Tsina ngayon ang pinakamabilis na umunlad na bansa sa munog kaya nakadokus ngayong ang atensiyong ng mundo sa National Pepople's Congress. Masuwerte ang mga Chinese dahil ang porma ng kanilang legislature ay well-suited sa kanilang kultura at lifestyle kaya walang nasasayang na oras ang NPC kasi sa formang ito there is more work and less talk."