• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-13 16:00:12    
Marso ika-5 hanggang ika-11

CRI
Sa ika-4 na pulong ng ika-10 pulong ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, NPC, na binuksan noong Araw ng Linggo sa Beijing, tinalakay ng mga kalahok na kagawad ang hinggil sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng gawing kanluran ng Tsina. Kaugnay nito, sinalaysay ni Ji Jinshan, pangalawang direktor ng sentro ng pag-aaral sa kabuhyan sa gawing kanluran ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, mabilis ang pag-unlad ng kabuhaya't kalakalang panlabas ng lalawigang Sichuan, at kabilang dito, napakalaki ang proporsyon ng pagtutulungan at pagpapalitang pangkabuhaya't pangkalakalan nila ng ASEAN. Anya, ang Timog-Silangang Asya ay pinakamalapit na pandaigdigang pamilihan ng Sichuan at malaki ang nakatagong lakas ang pagtutulungan nito. Ipinahayag naman ni Zhang Xuezhong, kalihim ng Komite Panlalawigan ng Partido Komunista ng Tsina ng Lalawigan Sichuan, na dapat gamitin ng Sichuan at ASEAN ang kani-kanilang bentahe sa rehiyon, gostos, patakaran at produkto, at isagawa ang iba't ibang paraan para mapalakas ang bilateral na pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan.

Nagbigay ng malaking pansin sa pulong ang mass media ng mga bansa ng Timog Silangan Asya. Madetalyeng iniulat ang naturang pulong ng mga mass media ng Timog Silangan Asya tulad ng pahayagang Phujadkarn ng Thailand, tinig ng Biyetnam ng pambansang radyo ng Biyetnam, Lian He Zao Bao ng Singapore, Nanyang Siang Pau ng Malaysia at iba pa. Nagbigay ang naturang mga media ng pinakamalaking pansin sa isyu ng agrikultura, kanayunan at magsasaka sa mga nilalaman ng reporta ng gawain ng pamahalaan ng premiyer at naturang pulong.

Kinapanayam noong Huwebes dito sa Beijing ng Serbisyo Filipino si Mrs. Corazon Belmonte-Jover, Charge de'affaires ad interim ng Embahada ng Pilipinas sa Tsina. Sa interbyu, binanggit ni Mrs. Jover ang pinaka-kinagigiliwan niyang paksa sa kasalukuyang idinaraos na NPC session at CPPCC session. Nagharap din siya ng koment sa pakatarang panlabas ng Tsina na may kinalaman sa pagtatatag ng may harmonyang daigdig. Bukod dito, ipinahayag din niya ang kanyang palagay hinggil sa katangian ng mekanismo ng NPC at CPPCC kumpara sa kongreso ng Pilipinas.

Idaraos ang ika-7 pulong ng magkasanib na lupong pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN mula ika-15 hanggang ika-16 ng buwang ito sa Nanning, lunsod sa rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina. Ang taong ito ay ika-15 anibersaryo ng pagtatatag ang relasyon ng diyalogo ng Tsina at ASEAN at taong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN at pangunahing tatalakayin sa naturang pulong ang pagpapatuloy ng aksyon ng pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN na idinaos noong isang taon at may kinalamang aktibidad ng pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo, at tatalakayin din ang isyu hinggil sa pagpapaunlad ng aktuwal na kooperasyon ng dalawang panig sa iba't ibang larangan. Lalahok sa naturang pulong ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Cui Tiankai, asistente ng ministrong panlabas ng Tsina, mga mataas na opisyal ng ministring panlabas ng 10 bansa ng ASEAN, iba pang kinauukulang namamahalang tauhan at opisyal ng Sekretaryat ng ASEAN.

Mga estadistika ng kalakalan ng Tsina at ilang bansang ASEAN noong taong 2005. Noong 2005, umabot sa halos 16.8 bilyong Dolyares ang kalakalan ng Tsina at Indonesya na lumaki ng 24.5% kumpara sa taong 2004 at kabilang dito, umabot sa 8.351 bilyong Dolyares ang pagluluwas ng Tsina sa Indonesya at 8.438 naman ang pag-aangkat na lumaki ng 33.5% at 16.8%. Noong 2005, lumampas sa 43 milyong Dolyares ang kalakalang panghanggahan ng Tsina at Myanmar at ang mga paninda ng kalakalan ay produktong akuwatiko, prutas, cashew at iba pa. Noong 2005, umabot sa mahigit 30.7 bilyong Dolyares ang kalakalan ng Tsina at Malaysia na lumaki ng 16.9% kumpara sa 2004.