• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-13 16:06:16    
Qiandao Lake: hydropower of tourism

CRI
Nitong nagdaang araw ng Linggo, nagkaroon kami ng gathering ng mga kaibigang travel expert, tour guide at travel writer. Isang simpleng gathering lang naman, parang get-together ng magkakaibigan, atsaka informal.

Marami kaming napag-usapang lugar dito sa Tsina na anila ay nagiging popular hindi lamang sa mga bisita sa loob ng bansa kundi maging sa mga turistang dayuhan. Ang isa sa mga ito ay ang lake na matatagpuan sa Lalawigan ng Zhejiang--ang Qiandao Lake.

Alam niyo, ang Qiandao Lake ay hindi pangkaraniwang lake na gaya ng ibang lake na natatagpuan ninyo dito sa Tsina. Mayroon itong espesyal na katangian. Ito ay isang reservoir. Ang Qiandao Lake ay ang Xin'anjiang Reservoir na itinayo para sa Xin'anjiang Hydropower Station sa Xin'an River. Ang hydropower station na ito ang kauna-unahang malaking water conservancy project na dinisenyo at itinayo ng mga Tsino pagkaraan ng pagtatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina noong 1959. Para magkaroon kayo ng idea, ang reservoir ay may kabuuang lawak na 573 kilometro kuwadrado at may kabuuang bilang na 1,078 na maliliit na isla. 1,377 na baryo at 200 kilometro kuwadrado ng lupang pansaka ang pinalubog sa panahon ng konstruksiyon nito. Noong ika-15 ng Disyembre, 1984, ang reservoir ay opisiyal na pinangalanang Qiandao Lake. Noong 1986, itinalaga ito ng Ministri ng Panggugubat bilang Qiandao Lake National Forest Park; at pagkaraan, itinala ng Konseho ng Estado bilang isa sa unan grupo ng state-level scenic zones.

Sinubukan ng travel writer na si Catherine Lightfoot na maglibot sa paligid ng lake at ganito ang sinabi niya sa bahagi ng kaniyang salaysay...

Ang isa raw sa kinatutuwaang bisitahin dito ng mga turista sa loob at labas ng bansa ay ang Peacock Islet. Sabi nina Catherine ganito raw ang tawag dito dahil ang munting islang ito ay angkop na lugar para tirahan ng mga peacock. Nasa pasukan ka pa lamang dawn ng Islet, lalo't may dala kang kahon ng corn kernels, sasalubungin ka na ng mga peacock na kulay asul, berde at puri. Tuwang tuwa daw ang mga bata na kasama ng kanilang mga daddy at mommy kapag bumubuka ang buntot ng peacock na may matingkad na kulay.

Sabi ni Catherine, isa pa rin daw sa kinagigiliwan ng mga bisita dito sa Qiandao Lake ay ang Ostrich Islet. Hindi daw dapat itong malampasan ng mga bumibisita dito...

Ang paborito naman daw ng mga magkasintahan na pumupunta dito sa Qiandao ay ang Lock Islet. Alam niyo na ang ibig sabihin ng lock--kandado.

Sabi, pag tapak mo raw sa islet na ito, makakakita ka ng apat na malalaking chracters na gawa sa bulaklak. Ang ibig daw sabihin ng characters ay "finding pleasure in it".

Habang humahakbang ka sa baytang na bato, sa pagtunton mo sa daan na papataas, mapupuna mo raw ang mga magkakahugpong na kandado na nakakabit sa kadenang bakal na barandilya. Ang mga kandado raw na ito na tinatawag na "locking one heart with another" ay may iba't ibang hugis at kulay at parang mga bulaklak daw. Sabi nina Catherine ang mga magkasintahan, bagong kasal o magasawa daw na nagpupunta rito ay nagsasabit ng ganitong mga kandado para humiling ng walang hanggang pag-ibig. 60,000 daw lahat-lahat ang mga kandadong nakabitin dito.

Nabanggit din lang natin ang magkasintahan, sabi ni Catherine ang Warmth Islet daw ay bagay sa kanila...

Kung mahilig naman kayo sa pamamangka, aba, e hindi kayo argabyado dito sa Qiandao Lake. Ang pamamangka daw dito ay parang pagpapakasawa sa mga isda ng lawa...