• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-16 21:56:17    
Bro. Felix Pecache: Sana sumainyo ang tunay na diwa ng banal na mga Araw

CRI
Sa Serbisyo Filipino:

Sumainyo ang panginoon, mga kapatid!

Sana sumainyo ang tunay na diwa ng banal na mga Araw.

Alam niyo, hindi niyo naitatanong, laging kasama kayo sa aking mga panalangin. Gusto kong lumawig pa ang inyong mga programa sa radyo upang makumpleto ang kaalaman ng mga kababayang Pilipino sa mga kaganapan sa bansang Tsina.

Tuwang tuwa ako noong marinig ko ang tinig ng mga kababayan sa Saudi Arabia at Alemanya na nakikilahok sa inyong palatuntunan sa pagluluto. Iyong taga-Saudi pansit-Kanton, at iyong taga-Alemanya naman letse plan. Nakatutuwa ang programa ninyong ito. Puwede itong taguriang wholesome family show.

Ang higit na nakatawag ng aking pansin sa programang ito ay ang pagpapabatid ninyo sa mga tagapakinig ng mga lutong Tsino na hindi pa nila naririnig noon. Unti-unti, nagkakaroon ng kaalaman ang mga nakikinig ng Pilipino hinggil sa mayamang kulturang kulinaryo ng Tsina.

Pagbati kay kapatid na Ramon Jr.: Bendisyunan ka nawa ng Panginoon at ang iyong misyon ng paghahatid ng kabatiran sa iyong mga kababayan. Ang iyong ginagawa para sa iyong mga kababayan ay walang katumbas na halaga ng salapi. Ang kaluluwang nalulumbay ay pinasasaya mo at iyong mga uhaw sa kaalaman ay pinaiinom mo ng tubig ng kaalaman.

Dakila ka kapatid na Ramon!

Gusto ko ring ipabatid sa inyong lahat ang aking taos-pusong pagbati sa katatapos na mag-sesyong Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina. Isa ako sa mga lihim na tagahanga ng Kongresong ito.

Hindi ko na pakahahabaan pa ang liham kong ito.

Salamat sa inyong lahat at maligayang Pasko ng Pagkabuhay!

Sumasainyo,
Bro. Felix Pecache
Methodist Church
Manila, Phils.