Tag-sibol na ngayon at abalang abala ang mga magsasaka sa kani-kanilang trabaho sa taniman. Gayon din si Wang Shichuan. Bising-busy siya sa pag-aalaga sa kanyang itinatanim na gulay sa plastic shield greehouse. Busy ma't pagot, nguni't magaaan naman ang loob niya sa pagtatrabaho sa kanyang greehouse. Sinabi niyang,
"Ako ay nagtatanim, pangunahin na ng kamatis. Talagang nahihirapan ako nguni't nahahalihan ang kapaguran ng kaligayahan at benipisyo. nadarama naming mga magsasaka sa nayon na nagiging mayaman kami sa palipas ng mga araw".
Ang pamiliya ni Wang Shichuan ay nasa nayon ng Getatuo sa lunsod ng Tangshan sa lalawigang Heibei sa hilagang Tsina. Kilalang kilala ang nayong ito sa paligid dahil ang per cipita income nito noong isang taon ay umabot sa 7000 Yuan Reminbi. Ang susi ng pagiging mayaman ng nayon ay walang iba kundi ang pagtatanim ng gulay sa pamamagitan ng greenhouse na tulad ni Wang Shichuan. Mahigit sa 80% ng mga magsasaka sa nayong ito ng Getatuo ay nagtatanim ng gulay sa loob ng mga plastic shield greehouse. Kaya ang nayong ito ay tinatawag ding nayon ng "Dapengcun". Ang "Dapeng" sa Wikang Tsino ay plastic shield greenhouse at ang "Cun" ay "nayon".
20 taon na ang nakararaan, ang mga pangunahing pananim na itinatanim ng mg magsasaka ay ang trigo at mais. Mababa ang ani, kaya mahirap ang pamumuhay ng mga taga-nayon. Salamat sa ginawang pagsisikap ng dalawang puno ng nayon na sina Wang Changgui at Wang Qingshuan sa paghahanap ng landas tungo sa kasaganaan para sa kanila.
Si punong Wang Changgui ay umisip ng maraming paraan para tulungan ang kaniyang kanayon sa pagiging yumaman. Minsan, nakatawag ng kanyang pansin ang katangiang heograpikal ng kanyang nayon: patag at mataba ang lupa ng nayon at sagana sa tubig sa ilalim ng lupa nito. Sa tingin niya, kung magtatanim sila ng gulay sa halip ng pagkaing butil, baka mapatingkad ang bantahe ng kanyang nayon. Sa gayo'y isinama niya ang isa pang puno ng nayon na si Wang Changgui sa pagtatayo ng vegetable greehouse mula noong l984. Ilang taong nakalipas, nagkamit sila ng magandang bunga sa pagtatanim ng gulay. Pagkatapos, tinuruan nila ang mga kanayon nila sa pagtatanim ng gulay sa pamamagitan ng greehouse,
"Sa pamamagitan ng aktkuwal na praktis, napatunayang malaki ang benipisyo sa pagtatanim ng gulay sa pamamagitan ng greenhouse. Ang kitang nakuha sa ani sa 0. l ektaryang gulayan sa greenhouse ay katumbas ng kita sa 0.4 hanggang 3 ektarya ng ani ng trigo at mais. Nakikinabang nang malaki ang mga magsasaka sa ganitong pagbabago."
Natuklasan ni Wang Changgui na namamahala sa pagbebenta ng gulay sa mahaba niyang career na mas maganda ang epekto ng pagpapatakbo ng isang uri lamg ng gulay kaysa sa maraming klase ng gulay dahil dito sa una, natitipon nila ang buo nilang lakas at pondo para mapalawak ang saklaw at mapataas ang kalidad ng produkto nila. Ayon sa kanyang mungkahi, ang kamatis ay naging tanging pananim ng buong nayon. Noong isang taon, ang ani ng kamatis nila ay umabot sa 15000 tonelada. Mataas ang kalidad ng kamatis nila at kinagigiliwan ng mga mangangalakal sa iba't ibang lugar at nang sa gayo'y naging popular ang kamatis na inaani sa Dapengcun.
Nang mabanggit ang hinggil sa marketing ng kanilang kamatis, buong pagmamalaking sinabi ni Wang Qingshuan,
"Ang produkto namin ay kilalang kilala sa Beijing at Tianjin at maging sa Hilagang Silangan ng Tsina. Kinagigiliwan ng mga mangangalakal at tindero ang kamatis namin. Kung panahon ng kamatis, makikita ninyo dito sa amin ang dose-dosenang trak mula sa labas na naghahakot ng kamatis. Mabiling mabili ang kamatis namin.''
Sinabi pa ni Wang Qingshuan na ikinatutuwa niya nang labis na karamihan sa mga dumarayo sa ibang lugar para magtrabaho ang bumalik na dahil nakita nilang malaki ang benipisyo sa pagtatanim ng kamatis sa greenhouse. Sa ngayon, may 2950 greenhouse ang buong nayon at mahigit 1600 lakas-bisig sa buong nayon ang nagtatrabaho sa loob ng mga greenhouse. Nitong nakaraang tatlong taon, lumalaki ang taunang kita ng bawat tao sa mahigit 20%.
Sa pagtatanim ng kamatis sa loob ng greenhouse, ang mga magsasaka sa nayong Dapengcun ay yumaman. Marami sa kanila ang nakapagpatayo ng bagong bahay.
Sinabi ni Wang Changgui, puno ng nayon na ang target niya ay tulungan ang mga taga-nayon na kumita ng 10,000 bawat taon.
|