• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-24 10:34:47    
Malayong Ugat

CRI
Ang pangarap ng sinumang taong nandayuhan ay ang mahanap ang kanyang ugat. Ang Zhangzhou sa Lalawigan ng Fujian ay kilala sa pagkakaroon nito ng maraming Tsinong nandayuhan.

"Gaano man kalayo ang iyong tunguhin, mananatili ka sa aking puso. Sa takip-silim, gaano man kahaba ang anino ng puno, hindi pa rin ito mahihiwalay sa kanyang ugat." Ito ay mula sa isang tula ng Indya na siya ring mainam na paglalarawan sa damdamin ng isang nandarayuhan.

Halos 17 taon na ang nakalipas nang bumisita sa nayon ng Hongjiang, bayan ng Longhai sa Zhangzhou ang dating pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas, sa pagnanais na balikan ang ugat ng kanyang pinagmulan. At nagtagumpay siya sa kanyang misyon.

Ngayong bakasyon ng taglamig, binagtas ko ang daang tinahak ni Gng. Aquino. Matapos mailahad ang aking pakay, malugod akong tinanggap ng maybahay roon.

Simple lamang ang bahay na aking tinuluyan, may asul na bubong, abuhing dingding, maliit na harding nababakuran ng ilang laryo. Gayunman, masasabing hindi karaniwang pamilya ang naninirahan diot matapos matunghayan ang napakaraming larawan ni Gng. Aquino na nakasabit sa dingding. Sa kalagitnaan ng pasilyo makikita ang malaki at pulang plake na gawa sa semento. Inihandog ito ni Gng. Aquino noong ika-14 ng Abril, 1988, nang bumalik siya sa tahanan ng kanyang ninuno. Kung tutuusin, inapo siya ni Sir Yuhuan at binisita niya ang kanyang tiyong si Xu Yuanxing.

Noong taong 1998 lamang pumanaw si Xu Yuanxing. Sa ngayon, ang kanyang ikalawang anak na lalaki ang naninirahan sa bahay na iyon. Ipinagmamalaki niyang sinabi na ang karamihan sa mga mamamayan ng Hongjian na nanirahan sa Pilipinas ay naging mga milunaryo, lalo na ang angkan ni Gng. Aquino- ang pamilya Xu Huan'ge, na higit na kilala bilang mga Cojuangco sa Pilipinas.

Nagmula sa Amoy, Zhangzhou at ilang bahagi ng Quanzhou sa Lalawigan ng Fujian ang karamihan ng mga Tsinong nasa Pilipinas ngayon. Dinala nila ang mabigat na pasnin at umalis ng kanilang bayan upang makipagsapalaran. Wala silang malay sa kanilang hinaharap nang simulan nila ang paglalakbay. Kinailangan nilang danasin ang mga paghihirap at kalungkutan sa buhay na nakatulong upang umani ng tagumpay.

Sinabi rin ng maybahay na sa salitang "Corazon", "Co" ang tunog sa wikang Fukian. Ayon sa kanya, kung susuriing mabuti, sa lahat ng salitang-hiram sa Filipino, 2000 ang mula sa wikang Fukian.

Sa aking naging paglalakbay, binisita ko rin ang Hongjian Middle School at ang iba pang nayon. Doon, tinutustusan ng mga nangibang-bayang Tsino ang pagpapaayos ng kanilang bayan, lalo na ang mga lupaing nakalaan para sa edukasyon at kultura. Patuloy silang kumikilos upang mapaunlad ang ugnayan at pakikipagkaibigan ng dalawang lahi.

Tunay na mahalaga ang ugnayang ito ng dalawang bansa. May iisang ugat, iisang dugo, iisang kaluluwa. Tayo ay supling ng iisang ninuno. Patuloy na umaasa ang mga taga-Fujian sa lalong pagsulong ng ugnayang Sino-Filipino.