• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-27 14:32:07    
Marso ika-19 hanggang ika-25

CRI
Dumating noong Lunes ng Hanoi si tagapangulo Jia Qinglin ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino para pasimulan ang kanyang opisyal at pangkaibigang pagdalaw sa Biyetnam. Sa kanyang nakasulat na talumpati sa paliparan, sinabi ni Jia na nitong nakalipas na ilang taon, walang humpay na natamo ng relasyong Sino-Biyetnamese ang bagong progreso. Madalas ang pag-uugnayan ng mga lider ng dalawang bansa, kapansin-pansin ang bunga ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, unti-unting nilutas ang isyu ng hanggahan, at nagiging mas malawak at mas malalim ang pangkaibigang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan. Sinabi rin niyang sa bagong panahon ng kasaysayan, ang pagpapahigpit at pagpapalakas ng komprehensibong relasyong pangkapitbansa, pangkaibigan at pangkooperasyon ng Tsina at Biyetnam ay hindi lamang angkop sa pundamental na kapakanan ng kanilang mamamayan at bansa, kundi makakabuti rin sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran sa rehiyong ito, maging sa buong daigdig.

Sa kanyang pagdalaw sa Biyetnam, noong Lunes, nag-usap sina Jia at Phan Dien, kalihim ng sekretaryat ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam. Malalim ang nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa relasyon ng dalawang partido at bansa at iba pang isyung kapuwa nila pinahahalagahan.

Noong Martes, nag-usap sina Jia at tagapangulong Pham The Duyet ng Vietnam Fatherland Front. Sa pag-uusap, sinabi ni Jia na mahaba ang kasaysayan ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Biyetnam at napapatingkad ng CPPCC at Vietnam Fatherland Front ang di-mahahalinhang papel sa pulitikal na pamumuhay ng kani-kanilang bansa.

Nag-usap siya at si Phan Van Khai, punong ministro ng pamahalaan at kagawad ng pulitburo ng komite sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam. Sa pag-uusap, sinabi ni Phan Van Khai na sa kasalukuyan, mainam ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at nakahanda ang kanyang bansa na palakasin ang pakikipagtulungang pangkabuhaya't pangkalakalan sa Tsina. Ipinahayag naman ni Jia na napakalaki ng nakatagong lakas ng kabuhayan ng dalawang bansa. Nakahanda anya ang panig Tsino na patuloy na palalimin ang pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa batay sa prinsipyong mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.

Kinatagpo si Jia ni pangulong Tran Tuc Luong ng Biyetnam. Sa pagtatago, buong pagkakaisang ipinahayag ng dalawang panig na nakahandang pasulungin ang relasyon ng Tsina't Biyetnam. Sinabi rin ni Tan Tuc Luong na hindi magbabago ang paninindigan ng kaniyang pamahalaan at partido sa patakarang isang Tsina at pagtutol sa anumang porma ng aktibidad ng pagsasarili ng Taiwan. Pinapurihan naman ni Jia ang pananangan ng Biyetnam sa patakarang isang Tsina. Iniharap din niya ang 3 mungkahi hinggil sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na lebel.

Kinatagpo rin si Jia ni Nong Duc Manh, pangkalahatang kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam. Sa pagtatagpo, sinabi ni Nong Duc Manh na buong tatag na pangangalagaan ng kaniyang partido ang matalik na relasyon ng Biyetnam at Tsina at buong sikap na isasakatuparan ang mga mahalagang komong palagay na narrating ng mga lider ng dalawang partido at bansa sa pamamagitan ng pinakaepektibong paraan. Mataas na pinapurihan naman ni Jia ang kapansin-pansin at napakalaking tagumpay na natamo ng mga mamamayan ng Biyetnam sa usapin ng reporma't pagbubukas at sosyalistang konstruksyon sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Biyetnam. Tinukoy niyang ang mainam na pangangalaga at pagpapaunlad sa pagkakaibigan at pangkalahatang kalagayan ng relasyon ng dalawang bansa ay angkop sa pundamental na interes ng dalawang bansa, partido at mga mamamayan.

Noong Miyerkules, dumalaw din si Jia Qinglin sa Da Nang, lunsod sa gitnang Biyetnam.

Kaugnay ng pagdalaw ni Jia Qinglin sa Biyetnam, ipinahayag ng punong mamamahayag sa Beijing ng "Voice of Vietnam", pambansang radyo stasyon ng Biyetnam, na lalo pang pinalakas ng pagdalaw na ito ang pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang bansa. Anya, nitong ilang taong nakalipas, madalas ang pagdalawan ng mga lider ng Tsina't Biyetnam, lalo na pagkatapos ng pagdalaw ni pangulong Hu noong nagdaang taon, napakabilis ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Sinabi rin niya na ang pagdalaw na ito ay tiyak na magpapalakas sa trandisiyonal na pagkakaibigan at magpapalalim sa pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.