Tumanggap ako ng surpeise call mula kay Rachel Truit noong Araw ng Pasko. Ipinaaabot niya ang kaniyang New Year greetings sa lahat ng mga tauhan ng Serbisyo Filipino at sa lahat ng mga kaibigang Chinese...
Si Rachel ay masugid na tagapakinig ng Serbisyo Filipino at aktibong miyembro ng CRI listeners Club noong 1990's. Sapul noong mamalagi siya sa Germany, hindi na siya nakakapakinig sa aming mga programa short-wave dahil hindi sila abot ng aming signal, kaya sabi niya, dinadaan na lang niya sa pagsulat-sulat.
Tuwang-tuwa siya noong magbukas kami ng web site nitong nakaraang ilang buwan. Sabi niya maririnig niya uli ang malamig kong tinig. Siya ang nagsabi niyon, ha? Hindi ako.
Regular ang pagpapadala ko ng mga babasahin kay Rachel kaya up-to-date din siya sa mga pagbabagong nagaganap sa Tsina. Sabi niya sa telepono baka hindi na niya makilala ang Tsina pagbalik niya dahil 1994 pa noong magpunta siya rito at noon ay nagsisimula pa lamang ang malakihang pagbabago, particular na sa Beijing.
Araw ng Pasko, alas-onse ng gabi sa Beijing at alas-kuwarto naman ng hapon sa Germany, noong tumawag si Rachel. Kinumusta ko ang Pasko nila sa Germany. Sabi niya nami-miss daw niya ang simbang-gabi, ang boses ng mga nagkakaroling at ang mga parol- lalo na iyong mga estrelya. Wala daw ang mga iyon sa Germany...
Sabi ni Rachel sana raw mabwasan naman ang kaguluhan sa mundo. Iyon daw ang tanging hiling niya para sa Bagong Taon. Nakakatakot daw kasing magbiyahe-biyahe kapag alam mong maraming banta ng karahasan sa iba't ibang panig ng mundo. Taun-taon daw ay nagbibiyahe siya.
Para naman sa Tsina, ang hiling niya ay sumagana pa ang kabuhayan nito at sana maging matagumpay ang 2008 Olympics...
Dagdag pa ni Rachel, noon daw kasalukuyang nagbi-bid ang Beijing para sa 2008 Olympics, isa raw siya sa milyun-milyong umaayuda para sa capital na lunsod. Sabi niya sa kaniyang kuwento: "Beijing! Beijing! Beijing!" At iyan ang long-distance voice ni Rachel Truit mula sa Germany.
At dumalo na tayo sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig.
Ang liham na bibigyang-daan natin ngayong gabi ay padala ni Benjamin Correa ng Muntinlupa, Metro Manila
Sabi ng kaniyang liham...
Dear Seksyong Filipino,
Merry Chrismas and a Prosperous New Year sa inyong lahat.
Maraming salamat sa pagtugon ninyo sa aking sulat.
Ang pagsusulatan natin ay walang iniwan sa saranggola na pnalilipad ninyo diyan sa Beijing. Pag mataas na mataas na, pinaaalagwa ninyo ay pagbagsak sa bayan ko pinupulot ko naman at muling pinalilipad para paalagwahin uli diyan sa Beijing. Kasama nitong umaalagwa ang aba kong mensahe sa CRI at sa lahat ng sambayanan ng Tsina.
Maraming nagtatanong kung bakit daw ako nakikinig sa inyong isatasyon. Ang isinasagot ko, nasa CRI ang tamang rekado ng programa na angkop sa aking panlasa.
Biruin ninyo kung hindi sa inyong special features hindi ko mapapatunayan na totoo pala ang mga napapanood kong Chinese movies na tungkol sa mga Chinese emperors. Kung hindi sa inyong mga special features hindi ko rin malalaman na ang Chinese panda at tiger au nanganganib na palang maglaho kaya ginagawa ninyo ang lahat para maligtas sila. Kung hindi rin sa inyong mga special features hindi ko malalaman na ang mga Tibetano ay nananatili pa sanang gusgusin kung hindi sa democratic reform ng gobyernong Tsino sa Tibet. Kung hindi naman dahil sa inyong Usap-usapan Sa Tsina hindi ko malalaman na ang Taiwan ay probinsiya lang ng Tsina at hindi isang bansa. Kaya nga ba sinasabi ko sa mga nagtatanong na walang makakapigil sa akin sa pakikinig sa Filipino Service ng CRI.
Beata ang masasabi ko sa inyo, basta CRI ako ay On The Go! Maraming salamat.
Benjamin Correa Muntinlupa Metro Manila Phils.
Maraming salamat sa inyo Benjamin. Alam mo hanga ako sa galling mo sa pag-a-advertise. Sana hindi ka magsawa ng pakikinig at pagsulat sa amin. Thank you once again at Happy New Year sa iyo at sa iyong pamilya.
|