Kung ang plano ninyo ay mga apat na araw na biyahe sa Lalawigang Henan, ang Sanmenxia ang lugar na dapat ninyong puntahan.
Sa mga relikyang historikal nito, mga tanawing makikita mo lamang sa fairy tale at magagandang likas na tanawin. Ang Sanmenxia ng sentral na Lalawigang Henan ng Tsina ay para isang perlas sa Yellow River.
Matatagpuan sa gitnang kahabaan ng Yellow River, ito ang isa sa mga lugar na sinilangan ng kulturang Tsino.
Ayon sa alamat, limang libong taon na ang nakararaan, ang Sanmenxia raw ay isang death gorge para sa mga barko dahil sa rumaragasa nitong tubig at makitid na paliku-likong tunnels.
Ang banging ito ay hinati ng isang nagngangalang Dayu--ang bayaning bihasa sa pagpapaamo ng mga ilog--sa tatlong bahagi--Man's Gate, Devil's Gate at God's Gate--kaya nagkaroon ng pangalang Sanmenxia na ang kahulugan ay Three Gates Gorge.
Ang lunsod ng Sanmenxia ay sumilang kasabay ng kauna-unahang dam sa Yellow River--ang Sanmenxia Dam na nakumpleto noong 1960.
Ang Sanmenxia Reservoir ay kahanga-hangang lawa. Ang mga sediment mula sa kaitaasang Loess Plateau ay tumitining sa ilalim ng tubig habang ang ilog ay bumabagal at ginagawang kataka-takang malinaw ang tubig.
Ang pamamangka at paglangoy sa Yellow River ay hindi na isang panaginip doon.
Matatagpuan naman sa Wangduo Village sa hilagang direksyon ng Lingbao ang Hanguguan Pass na nakaluklok sa sinaunang passageway patungo sa Chang'an na ngayo'y Xi'an na kapiatal ng maraming dinastiya sa Tsina. Ito ay higit pang nagmumukhang likas na bantay na may matatarik na dalisdis at makikitid na tunnel sa sinaunang panahon.
Sa pagpunta ninyo sa Sanmenxia, kung manggagaling kayo ng Beijing, ang tren ay aalis sa oras ng takipsilim at darating ng Sanmenxia maagang-maaga kinabukasan.
|