Dear Friends,
Thank you very much sa VCD player na tinanggap ko mula sa inyo bilang prize sa inyong guessing games. At first, I was surprised. I couldn't believe it. But it's true. Too good to be true. Salamat sa inyong lahat. Medyo late na ang pagsasalamat ko dahil February ko pa ito natanggap but anyway I am really greatful at ina-appreciate ko ang ibinibigay ninyong importansiya at aming mga ordinary listeners. Ang pakiramdam namin ay parang kasinghalaga na rin kami ng inyong mga programa. Bukod sa DVD player nakatanggap na rin ako ng t-shirt at transistor radio sa inyo.
Binabati ko kayo sa inyong Cooking Show na ngayon ay regular kong pinakikinggan at ng ilang kasama sa trabaho dito sa New Territories.
Pag naririnig namin si Ramon Jr. na nagluluto parang nababawasan ang aming homesickness kasi ang pakiramdam namin parang nasa Pilipinas din kami. Mahusay kasi siyang mag-create ng Filipino atmosphere. At si Ramon Jr. mismo ay Pilipinung-Pilipino ang dating sa amin.
One of these days susubukin ko ring iluto para sa employer ko ang inyong Chinese recipes. Natitiyak kong magugustuhan nila ang mga lutong ito na mula sa mainland.
Hinahangaan ko so Ramon Jr. sa kanyang humility despite the fact na popular siya sa mga Pilipino na nagtatrabaho dito sa Hong Kong.
Okay ka tol!
Congratulations sa lahat ng inyong mga successful shows especially Cooking Show.
God Bless, Gertrude Ramos Yuen Long, New Territories, H.K.
|