• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-31 20:01:47    
Araw ng Qingming at Araw ng Hanshi

CRI
Ang Qingming, na nangangahulugan ng malinaw at maliwanag, ay araw ng pag-ala-ala sa mga namatay. Ito ay natatapat sa unang dako ng Abril ng bawat taon, at tumutugon sa pagdating ng may-kainitang panahon, pagsisimula ng pag-aararo sa tagsibol at pag-a-outing ng buong pamilya.

Pero bago natin pag-usapan ang Qingming, kailangan munang banggitin ang isa pang pangyayari noong araw, ang Hanshi, na laging dumarating isang araw bago ang Qingming.

Sa wikang Tsino, ang hanshi ay nangangahulugan ng "pagkaing lamig". Sinasabing noong ika-7 siglo BC sa panahon ng Spring and Autumn Period, si Duke Xiao ay ang hari ng estado ng Jin. Dapat'y sana naman ang kanyang anak na panganay na si Shen Sheng ang kanyang trono pagkamatay niya. Pero, nagkaroon siya ng ibang plano. Ang gusto niyang maging hari ng Jin ay si Li Ji, ang anak niyang lalaki sa paborito niyang kaalunya. Kaya ipinapatay ni Duke Xiao na isang di-mapagmahal na tatay, ang kanyang anak na si Shen Sheng at gayon din ang gagawin sana niya sa kanyang pangalawang anak na lalaki na si Chong'er. Pero natunugan ito ni Chong'er kaya tumakas siya.

Sa loob ng 19 taon, nagpalaboy-laboy na lamang si Chong'er at ang kanyang entorahe ng mga tapat na oposyal at tagapagsilbi. Naranasan nila kung paanong ginawin at magutom. Isang araw, talagang namamatay sa gutom si Chong'er at ang isa sa kanyang pinakamatapat na tagasunod, si Jie Zitui, ay humiwa ng kapirasong laman mula sa sarili binti at ito ang ipinakain niya sa kanyang amo. Sa gayon, nailigtas ang buhay ni Chong'er. Noong 636BC, nakuha rin sa wakas ni Chong'er ang trono na talagang namang sa kanya at siya ay naging si Duke Wen ng estado ng Jin. Pagkatapos nito, ipinasiya ni Chong'er na gantimpalaan ang iyong mga opisyal na sumama sa kanya noong siya ay nagpalaboy-laboy. Pero nakalimutan niya si Jie Zitui na nagsakripisyo ng laman ng kanyang binti. Ang resulta'y nawasak ang puso ni Jie Zitui at siya ay umalis. Noong bandang huli, naalala din ni Chong'er ang sakripisyong ginawa ni Jie Zitui para sa kanya at nagpadala siya ng mga tao para hanapin ang kinaroroonan ni Jie Zitui. At hindi nagtagal ay natagpuan nila ito. Kaya, si Chong'er ay nagpunta mismo doon para humingi ng paumanhin at hilingin kay Jie Zitui na bumalik sa "court". Ngunit, iniwan sila ni Jie Zitui at nagpunta sa pinakapusod ng bundok upang hind siyang muling matagpuan. May nagpayo kay Chong'er na sunugin ang rehiyong ito para mapilitan si Jie Zitui na lumabas kung saan mahimok siyang bumalik sa maginhawang pamumuhay sa "court". Sinunod ni Chong'er ang payong ito at sinunog ang bundok na pinaniniwalaang pinagtataguan ni Jie Zitui. Tatlong araw na nanalanta ang apoy at natagpuan si Jie Zitui na nakahilig sa isang malaking punong kahoy pasan-pasan ang matanda niyang nanay. Si Jie Zitui at ang kanyang nanay ay kapwa patay na.

Ang trahedyang ito ay labis na ipinagdalamhati ni Chong'er. Nag-utos siyang itayo ang isang templo bilang sa pinakamatapat niyang tagasunod. Ipinagbawal din niya ang apoy tuwing anibersaryo ng pagkamatay ni Jie Zitui. Kaya, kailangang kumain ang mga tao ng "lamig" sa araw na ito, o araw ng Hanshi. Bukod dito, nagsimula ring bumisita ang mga tao sa libingan ni Jie Zitui bilang pagbibigay-galang.

Noong mga 300 taong nakalipas sa Qing Dynasty, ang kaugalian ng Hanshi o pagkain ng "lamig" ay nahalinhan ng tradisyon ng Qingming, na ngayo'y naging isa nang mahalagang okasyon para maghandog ang mga tao ng sakripisyo sa kanilang ninuno.