Sabi ni Pomett de la Cruz, hindi lang daw Chinese arts ang kaniyang kinagigiliwan. Giliw na giliw din daw siya sa Chinese foods. Kaya daw noong marinig niya ang cooking show namin ni Joy Melendez, hindi mailarawan ang kaniyang katuwaan.
Sa kaniyang liham, humiling din si Pomett na kung maari gawin sanang regular ang cooking show na ito at sana raw padalhan siya ng kopya ng recipe para kung hindi niya makuha nang buo ang programa meron din siyang hard copy.
Bukod kay Pomett, marami pang ibang tagapakinig, lalaki at babae, ang nagpapaabot ng kanilang "congratulations" sa aming cooking show ni JM. Sabi nila bakit ngayon lang daw. Puwede naman daaw pala kaming magturo ng pagluluto sa radyo. Sa lahat daw ng mga bagay na Chinese, ang arts, foods at music daw ang kanilang pinakagusto.
Maraming salamat sa inyong lahat. Alam niyo, ang mga sulat ninyo ang nagsisilbing inspirasyon ko. Pagnakakatanggap ako ng ganiyang mga sulat, ang pakiramdam ko I am 12 feet tall!
|