• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-04-03 21:13:54    
Nanjing: Sariwain ang nakaraan, kasiyahan ang kasalukuyan

CRI
Sabi ng kaibigan nating si Sharon, ang Nanjing ay hindi lamang pook na pang-nostalgia, kundi pook din na panturista.

Alam kasi ni Sharon na ang Nanjing ay may mahabang kasaysayan at sa katunayan ay nagsilbing kapital ng maraming sinaunang dinastiya kaya niya nasabing ito ay hindi lamang lugar para sariwain ang nakaraan kundi lugar din para kasiyahan ang kasalukuyan.

Para doon sa mga hindi nakakaalam, si Sharon ay Pilipina, isang kababayan na matagal nang nagtatrabaho dito sa Tsina. Kung may pagkakataon, sumasama siya sa mga tour group para maglakbay sa iba't ibang lugar ng Tsina, at ang Nanjing ang isa sa mga lunsod na nabisita niya.

Ipinagmamalaki ni Sharon na sa luntiang kapaligiran pa lamang ng Nanjing ay malalasing na ang mga manlalakbay na magagawi dito. Malagung-malago aniya ang mga dahon ng mga puno at makapal na makapal at sariwang-sariwa ang mga damo.

Matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng Lalawigan ng Jiangsu, ang Nanjing ang kapital na lunsod ng lalawigang ito at siya ring sentrong pampulitika, pangkabuhayan, pangkultura at pangkomunikasyon nito.

Ang Nanjing ay isa sa anim na pinakabantog na sinaunang kapital ng Tsina. Ang limang iba pa ay ang Xi'an, Beijing, Luoyang, Kaifeng, at Hangzhou. Ang Kaharian ng Wu at ang mga sumunod na Dinastiyang Eastern Jin, Song, Qi, Liang, Chen, Southern Tang at Ming ay nagtatag ng kanilang kabisera sa lunsod na ito. Ang kasalukuyang pader ng lunsod o city wall na may habang 33.7 kilometro at may taas na 12 metro ay itinayo sa pagitan ng mga taong 1368 at 1398 sa panahon ng paghahari ng unang emperador ng Dinastiyang Ming.

Tinanong ko si Sharon kung alin-aling kawili-wiling lugar ang binisita ng grupo nila sa Nanjing. Mahigpit daw na sumunod ang grupo sa itinerary kaya nagpunta sila sa Museum of Chinese Contemporary History, Zijinshan Obsevatory, Mausoleum of Dr. Sun Yat-sen, Rain and Flower Terrace at Confucius Temple.

Pero isang gabi, sabi ni Sharon, nagkayayaan daw silang lumabas ng ilang kasama at sarilinang nagpunta sila sa Qinhuai River na hindi kasama sa kanilang itinerary. Hindi daw nila namalayan ang paglipas ng gabi habang nakasakay sila sa maliit na bangka na tinatangay ng agos ng makitid na ilog. Sabi niya ang sarap daw pala ng pakiramdam ng namamangka sa ilalim ng liwanag ng buwan. Parang kumikinang daw sa gilid ng ilog ang mga bahay na yari sa bricks at napipintahan ng puti ang mga dinding at ng pula ang mga bubong.

Nakakatawang sinabi ni Sharon na ang talaga raw na Nanjing na Nanjing ang dating ay ang Youtiao at soya milk. Ang mga ito raw agn naging paborito niyang agahan sa Nanjing. Para mo na rin daw nalasahan ang Nanjing kapag kumain ka ng Youtiao kasama ng soya milk.

Bilang karagdagan dito, sinabi ni Sharon na karamihan sa mga residente ng Nanjing ay gourmet, at sa lahat ng mga pagkaing lokal ng lunsod, ang salted duck ang pinaka-popular. Sabi niya ang lasa ng salted duck ay depende sa sangkap ng tubig na maalat o brine sa Ingles, at sa kalidad ng itik. Sabi pa niya maroong isang klase ng itik na kung tawagin ay "osmanthus" duck. Ito, sabi niya, ay isang barayti ng salted duck at kilala sa buong bansa dahil sa walang katulad nitong sarap. Kaya naman talagang mahal, dagdag niya.

Sabi ni Sharon popular din ang roast duck sa Nanjing pero, hindi tulad ng sa Beijing, ang roast duck ng Nanjing ay sa food stand niluluto at karamihan sa mga umoorder ay mas gusto pang iniuuwi ito.

Bilang panghuli, sinabi ni Sharon na ang Nanjing, sa kasalukuyan, ay isang lunsod na industriyal. Mayroon itong mining, metallurgy, iron and steel, machinery at iba pa; ngunit ang lahat ng mga ito, sabi niya, ay environment friendly.

Maraming-maraming salamat Sharon. Naku , e, hindi namin alam kung paano ka namin pasasalamatan. Huwag ka sanang madadala dahil sa susunod, aanyayahan ka naming muli para ibahagi ang mga iba mo pang karanasan sa Tsina.