• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-04-06 15:15:01    
Pamahalaang Tsino, itinataguyod ang produksyon ng bantam cars

CRI
Bilang isa sa mga konkretong hakbangin ng pagtitipid sa enerhiya, hiniling na ng Pamahalaang Tsino sa mga lokalidad na kanselahin ang limitasyon sa bantam cars o iyong mga kotse na may maliit na engine displacement bago ang katapusan ng nagdaang buwan at nagpasiya rin ang Pamahalaang Tsino na bumalangkas ng patakaran bilang suporta sa pagpoprodyus at pagbili ng ganitong uri ng kotse.

Sa isang auto market sa Beijing, gustong bumili ni Ginoong Ou Qing ng isang bantam car. Nang tanungin siya kung bakit tio ang napili niya, sinabi ni Ginoong Ou na:

"Hindi ko kayang bumili ng heavy car. Noong araw, dahil sa limitasyon sa mga small-engine car, nag-aalinlangan sa pagbili nito. Pero, sa kasalukuyan, salamat sa pag-aalis ng naturang limitasyon, gusto kong bumili ng isa. Bukod dito, sa pagsasaalang-alang sa tumataas na presyo ng langis, nagpasiya akong bumili na lamang ng bantam."

Sa katotohanan, marami pang mamimili na gustong bumili ng bantam cars na tulad ni Ginoong Ou. Ayon sa estadistika ng CAAM, China Association of Automobile Manufacturers, noong isang taon, ang bilang ng ibinentang bantam cars ay bumubuo ng kalahati ng kabuuang bilang ng mga ibinentang kotse ng bansa.

Gayunpaman, tulad ni Ginoong Ou, meron pa ring mamimiling nagpapalagay na sa kabila ng mga bentahe ng bantam cars na tulad ng maliit na konsumo sa langis at mababang halaga, ang kalidad at kaligtasan naman ng low-discharge cars ay itinuturing na kakulangan ng naturang mga kotse.

Bilang tugon, sinabi ng tauhan sa industriya ng sasakyang-de-motor na ang bantam cars ay hindi nangangahulugan ng masamang kalidad. Sa katotohanan, ang lahat ng mga bahay-kalakal na nagtatampok sa low-discharge cars ay lubos na nagpapahalaga sa kalidad ng kanilang mga produkto.

Gawin nating halimbawa ang Tianjin Faw Xiali Automobile Co. Ltd., isang kompanyang Tsino na nagpoprodyus, pangunahin na, ng bantam cars. Sinabi ni Wang Gang, General Manager ng kompanya, na salamat sa preperensyal na patakaran ng bansa, kukumpletuhin pa ng kanyang bahay-kalakal ang kalidad ng mga produkto at nang sa gayon, makaakit ng mas maraming mamimili sa bantam cars. Sinabi pa niya na:

"Nagsusumikap kami para mapataas ang kalidad ng mga produkto. Sa gayon, matugunan ang kahilingan ng mga mamimili kaugnay ng function ng kotse at gayundin ng pagtitipid sa enerhiya. Umaasa kaming sa pamamagitan ng aming pagsisikap, mas maraming mamimili ang makakapili ng kotse na maliit ang konsumo sa langis."

Sinabi naman ni Rong Huikang, isang namamahalang tauhan ng CAAM, China Association of Automobile Manufacturers, na sa kasalukuyang taon, inaasahang magsasaayos ang Pamahalaang Tsino ng buwis sa pagbili ng kotse para mahikayat ang mga mamimili na bumili ng bantam cars. Sinabi pa niya na:

"Sa palagay ko, maaaring pag-iba-ibahin ang buwis sa pagbili ng kotse, ibig sabihin, kung magiging mas maliit ang engine, magiging mas mababa ang babayarang buwis at kung mas malaki, mas mataas."

Ayon sa pinakahuling estadistika, ang bilang ng ibinentang bantam cars ng Tsina ay bumubuo lamang ng 20% ng kabuuang bilang ng ipinagbiling kotse ng bansa at ang bilang na ito ay mas mababa kumpara sa karaniwang bilang ng mga bansang Europeo na 70%. Ipinakikita nitong nananatili pa ring malaki ang espasyo sa Tsina para sa pag-unlad ng bantam cars. Ipinalalagay ni Ginoong Rong na may pag-asang mangingibabaw sa pamilihan ang mga kotse na humigit-kumulang 1litro ang engine displacement at ito ay magsisilbing direksyon ng pag-unlad ng pamilihan ng sasakyang-de-motor ng Tsina.

Ayon sa pagtaya, sa kasalukuyang taon, lalampas sa 6.4 na milyon ang bilang ng ipagbibiling kotse ng Tsina na lumaki ng 12% kumpara sa nagdaang taon. Sa ilalim ng kasalukuyang situwasyon na kakanselahin na ang restriksyon sa bantam cars, makapagtatamo ang naturang mga kotse ng mas malaking market share sa pamilihang panloob.