Dear Filipino Service,
Isang malaking greetings ang ipinadadala ko sa inyong lahat diyan bilang tugon sa malaking bulaga ninyo sa akin. Pinakaba ninyo ako sa biglaan ninyong pagsulat lalo na itong si Ramon Jr. na akala ko nakalimutan na ako dahil hindi na nasagot ang sulat ko. Nabuhay ka Ramon Jr. Ano ba ang nangyari. Kailangan ko ng mahabang eksplanasyon. Kung hindi hindi kita mapapatawad (hi-hi-hi). Dahil nga sa nakailang sulat na ako at wala namang response, tumigil na ako sa pagsulat. Pero tuluy-tuloy pa rin ang Chinese lesson ko dahil nasimulan ko na ito. Siguro dalawang taon na akong sumusubaybay sa inyong Mag-aral Magsalita sa Wikang Tsino. Medyo hindi lang regular ngayon ang pag-aaral ko kasi medyo nahihirapan ako sa trabaho ko. Nasa computer networking ako at maraming projects ang aming company. Binibisita ko rin ang inyong website.
Doon sa ipinadala ninyong kopya ng The Beijing Review, nabasa ko iyong tungkol sa drive ng inyong Chinese government para masugpo ang katiwalian at ang kahanga-hanga ay ang maraming napaparusahan ay malalaking isda. Sana magkaroon din kami dito ng ganiyang mga palakad dahil maraming ganiyan dito, I mean malalaking isda pero nakalusot sa lambat. Iba iyong kaso ni Estrada dahil iyong kasong iyon ay may balid ng pulitika. Ang tinutukoy ko ay iyong mga judge at piskal na nagpapatakbo ng mga clubs at beer garden, pero hindi nagagalaw. Kasi napaglalaruan nila ang batas. Pero kung ordinaryong tao ka lang madali kang mapresinto.
Interesado askong sumali sa inyong pakontes these days. Magpapadala ako ng sagot either through your listeners club o deretso diyan sa inyo.
Moe power and good luck sa inyong lahat!
Claire Olandes 9 de Febrero Mandaluyong City Philippines
|