• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-04-07 18:58:52    
Kulturang Dongba

CRI
Kulturang Dongba ang tawag sa kulturang pinaunlad ng mga Naxi. Ang katawagang ito ay nagmula sa relihiyong Dongba. Nangyari ito noong Dinastiya ng Tang at Dinastiya ng Song may 1000 taon na ang nakalilipas. At mula noo'y hindi na nababago.

Ang Dongba ay isang sinauna at panteistikong relihiyon na pinananampalatayanan ng mga mamamayang Naxi. Ang ibig sabihin ng panteistiko ay nanananampalataya sa maraming diyos. Ang relihiyong ito ay hindi nanangngailangan ng nagkakaisang organisasyon o templo para sa pagsamba. Ang mga mangangaral nito'y tinatawag na Dongba na nangangahulugan ng "paham" o "manghuhula ng kapalaran" at "mambabasa ng banal na kasulatan". Sinasagawa ng mga ito ang panggagaway, paggamot, edukasyon, sining at kasanayan ng mga Naxi. Bukod sa mga regular na trabaho, ang mga Dongba rin ang namamahala sa mga seremonyang ritwal, pagbibigkas ng banal na kasulatan, pagsasayaw para maitaboy ang mga masasamang bagay at pagdarasal para sa masaganang ani. Ang titulong Dongba ay namamana. Dahil kakaunti na lamang ang natitirang Dongba, nagtayo ang Lijiang County ng isang paaralang Dongba upang mapanatili ang tradisyong Dongba.

Ang Dongba Script o paraan ng pagsulat ng Dongba ay tinatawag na "living pictographic writing". Ang sulat ay kombinasyon ng ideographs na gumagamit ng mahigit sa 2400 simbolo. Ang simbolokong wika ng Dongba Script ay pinaunlad sa pamamagitan ng paggamit ng maraming Chineses characters ng mamamayang Han. Kaunting-kaunti lamang ang marunong ng sulat na ito walang tiyak na porma ng pagsusulat at ang mga simbolo ay hindi nakikilala sa "tones".

Sa Tsina ay humigit kumulang sa 20 libong kopya ng 1000 banal na kasulatan ng Dongba na isinulat sa sariling paraan mismo ng Dongba. Inilalarawan ng mga banal na kasulatan ang iba't ibang seremonya ng Dongba na gaya ng pagdarasal sa kalangitan, pagdarasal sa hangin, paghahatid sa huling hantungan, pagdarasal para sa mahabang buhay at panghuhula ng kapalaran. Sumasaklaw din ang banal na kasulatan sa maraming paksa na tulad ng pilosopiya kasaysayan, astronomiya, relihiyon, panggagaway, alamat, panitikan at sining. Kaya marahil ang mga ito ay itinuturing na encyclopedia ng mga mamamayang Naxi.

Ang mga pinakakilalang kuwento ng Dongba ay ang mga epikong Chongbantu(genesis) na nangangahulugang ang simula, ang parangal sa "digmaan ng itim at puti" at ang mga awit para sa patay, na Luban Lurao sa wikang Dongba. Ikinukumpara ng mga espesyalista ang mga ito sa mga epikong Griyego.

Ang Dongba painting ay ginamit minsan para lamang sa layuning panrelihiyon. Kabilang doon ang pinta sa kahoy, title pages, kard at scroll. Ang pinta sa kahoy na karaniwa'y 6 hanggang 7 sentemetro ang lapad at 20 sentemetro ang haba ay ginagamit sa seremonya ng pagpapakasakit. Ang pinta naman sa title page ay para sa banal na kasulatan at mga gawain ng paglalarawan. Ang mga pintor sa tradisyonal na title pages ay gumagamit ng kawayan bilang brotsa sa paglalapat ng kulay, pagdidibuho at ink-and-wash painting. Ang pinta sa kard ay kadalasang may kinalaman sa panghuhula ng kapalaran o pagsamba sa dragon. Ang scroll painting naman ay itinuturing ng nakararaming tao na siyang pinakamahusay sa Dongba painting sapagkat mayroon itong mahusay at katangi-tanging guhit at matingkad na kulay. Ang mga pinta ay karaniwan nang naglalarawan sa iba't ibang maylikha at isinasabit sa mga bulwagang pangdasalan. Ang kilalang scroll painting na pinamagatang "Banal na Landas" ay may mahigit sa 10 metro ang haba at 30 sentemetro ang lapad. Madalas ay itinatanghal ito ng mga Naxi sa kanilang paghahatid sa huling hatungan. Mayroon iyong 300 pigura ng sangkatauhan at maraming pigura ng pambihirang ibon at hayop. Ang mga pigura sa ibabang bahagi ng pinta ay naglalarawan sa 18 lebel ng impiyerno. Ang mga pigura sa gitnang bahagi ng pinta ay sumasagisag sa mga bagay na walang kinalamn sa relihiyon. Samantalang ang mga pigura sa itaas na bahagi ng painting ay naglalarawan sa lahat ng makapangyarihang diyos na siyang ninuno ng mga mamamayang Naxi.