• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-04-10 15:04:32    
Semana Santa: Matutuong magbahagi, matutong magmalasakit

CRI

Bilang paggalang sa Semana Santa, hindi muna natin gagamitin ang ating regular background music para sa Dear Seksiyong Filipino. Magsyadong masaya iyon para sa araw na ito.

Nagngingiling ba kayo? Dapat. Obligasyon natin iyan. Well, anyway...

Tuwang-tuwa si Pomett de la Cruz noong malaman niya na ang guessing games namin ay tumatanggap ng karaniwang bilang na 1,200 sulat buwan-buwan. Tumawag siya para lamang batiin ang Filipino Service. Alam niyo itong si Pomett, isa ito sa mga loyalists ng Filipino Service.

Dahil nga sa kuwaresma, tinanong ko sika kung ano ang kahulugan ng Mahal na Araw para sa kaniya at kung ano ang wish niya sa Holy Week sa taong ito, kung mayroon man. Ang hindi ko makakalimutan sa sinabi niya ay iyong matuto tayong mag-share at mag-care...

Napuna ko na sa paglipas ng panahon, nagbabago na rin ang attitude ng mga tao sa Mahal na Araw. Ang ibig kong sabihin, nag-iiba ang pakahulugan nila sa araw na ito kung hindi man sila nagiging indifferent dito. Pero sabi ni Pomett, siya hindi. Ganoon pa rin ang attitude niya sa Semana Santa...

At iyan ang long-distance voice ni Pomett de la Cruz mula sa Pilipinas. Thank you so much Pomett for calling.