• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-04-13 20:22:17    
Lily Pamintuan: Simula noon nagka-interes na akong makinig sa inyong Cooking Show

CRI
Dear Friends,

Kayo, ha? Bakit ninyo sinira ang momentum ko? Bago pa lamang akong nakikinig sa inyong cooking show tapos bigla ninyong inalis. Ilang Fridays akong nag-abang. Baka ma-pre-empt ng ibang programa. Huwag naman, please. Hintayin muna ninyo akong matuto.

Alam niyo ngayon pa lang ako natututo ng lutong Mainland. Karamihan sa mga Chinese foods na alam ko ay lutong-Hong Kong. Napakalayo naman talaga niyon sa mga recipe ninyo. Isang kaibigang taga-HongKong din ang nagsabi sa akin na mayroon kayong Cooking Show sa radyo. Sinubok ko naman at narinig ko ang tungkol sa isang Sichuan cuisine. Simula noon nagka-interes na akong makinig sa inyong Cooking Show dahil alam kong mapapakinabangan ko lahat ang mga recipe na matututuhan ko.

Sana maipadala ninyo ang request kong recipe.

Lily Pamintuan
West Coast Road
Singapore

P.S.

Pakisabi kay Ramon Jr. na baka kailanganin ko ang payo niya these days.