Ang Celadon na isang kilalang klase ng stoneware ng sinaunang Tsina, ay nilikha noong panahon ng Five Dynasties. Kilala ito sa pagkakaroon nito ng sample pero napakagandang hugis, kintab na parang jade at isang bukod-tanging istilo. Sa dahilang labis na pinahahalagahan ang Celadon na gawa Longquan County, Zhejiang Province, tinatawag din itong Longquan Qingci. Ang Qingci, ay nangangahulugan ng "luntiang porselana". Bakit kaya ito kilala sa kanluran bilang "Celadon"?
Ang Celadon ay ang pangalan ng hero sa romansang L'Astree na kinatha ng manunulat na si Honore d'Urfe ng Pransya. Kasintahan si Celadon ni Astree, amg heroin ng istoryang ito. Inilarawan si Celadon sa piksyon na isang batang lalaking nakaberde, na ang damit ay nauso sa Europa. Ang panahong iyon ay kinakitaan din ng debut ng Longquan Qingci ng Tsina sa Paris. Lubos na hinangaan ng mga tao roon ang uring ito ng stoneware at sinimulan nila itong tawaging Celadon, isang pangalang natanggap at napalaganap na sa ibang mga bansa.
Ngayon, nadebelop na ang mga bagong produkto ng Celadon na maganda ang pagkakakintab. Ang mga ito ay kinakabilangan ng "eggshell china" na kinala sa ekstraordinaryong nipis nito at "underglaze painting".
Ang Tangsancai ay tumutukoy sa tri-colored glazed pottery ng Tang Dynasty (618-907 A.D.), isang uri ng napipintahang earthenware na nalikha kasunod na kasunod ng Celadon. Tinawag itong "tri-colored" sa dahilang ang mga kulay na dilaw, berde, at puti ang madalas gamitin, kahit na ang iba ay may dalawa o apat na kulay. Nadedevelop ito batay sa green at brown glazed pottery ng Han Dynasty at ipinakit nito ang pinakasukdulan sa pag-unlad ng Chinese ceramics. Panahon pa ng Tang Dynasty, ay kilalang-kilala na ito sa daigdig.
Ang mga nahukay na tri-colored Tangs ay karaniwang mga kabayo, kamel, pigurin ng babae, pitsel na may hugis ng ulo ng dragon, pigurin ng manunugtog at akrobata, at unan. Sa mga ito, ang mga kamel na may tatlong kulay ang nakakuha ng pinakamalaking paghanga. Nakikita silang may kargang seda sa likod o may sakay na mga nanunugtog. Nakatingala sila na parang humahalinghing. Ang mga may pulang balbas at asul na matang kutsero ay nakasuot ng tunics na may nasikip na manggas at sumbrerong nanatikwas ang dahon. Napapalabas nila ang parang isang tunay na imahe ng mga taong taga Gitnang Asya noong panahon ng Tang Dynasty sa kanilang paglalakbay sa Silk Road sa pagkuliling ng mga camel bells.
Ang tri-colored glazed pottery ng Tang Dynasty ay nadebelop noong mga 1300 taon na ang nakararaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamamaraan sa pagpipinta at paglilok ng Tsina. Pinipintahan ang mga katawan ng pottery ng glazes na may iba't ibang kulay at habang nagkakaroon ng reaksyong kemikal sa proseso ng pagsusunog sa hurno, natural na pumatak-patak ang glazes kaya nagkakahalu-halo ang iba't ibang kulay at nagiging polidong-polido ang kombinasyon ng kulay.
Ang tri-colored Tang ay napalaganap sa isang maikling panahon lang ng Tang Dynasty, kung kailan ginamit ng mga maharlika ang mga pottery pieecs ng klaseng ito bilang mga bagay na panlibing. Kaya limitado ang bilang ng mga pottery pieces na natuklasan ngayon at itinuturing silang pambihira tesoro o rare treasure, na labis na pinahahalagahan dahil sa kanilang magandang kulay at parang buhay na hugis.
Ang mga imitasyong ginawa sa Luoyang, Xi'an at ibang mga lunsod ng Tsina ay napakapopular sa mga turista bilang souvenirs dahil sa kanilang pagiging halos katulad ng orihinal.
|