Ang iskulptura ng mga leong Tsino ay madalas na itinatampok sa mga tulay at isang halimbawa nito ang the Seventeen-Arch Bridge sa Summer Palace sa Beijing.
Gayunman, ang tulay na pinakakilala dahil sa mga leon nito ay ang Lugou Bridge sa timog silangang Beijing. Ang kahanga-hangang tulay na ito, na itinayo noong ika-12 siglo, ay 266.5 metro ang haba, 7.5 metro ang lapad at may 11 arko. Tinatawag ito ng mga taga-kanluran na Marco Polo Bridge, sa dahilang si Marco Polo, isang manlalakbay na Italyano noong ika-13 siglo, ay tumawid dito at sumulat ng isang buhay na buhay na deskripsiyon ng tulay na ito sa kanyang librong "Travels". Sa ibabaw ng bawa't balustrade post ng tulay ay may di-kukulangin sa isang leon na yari sa bato. Karamihan sa mga malalaking leon ay may mga maliliit na leon na nakasakay sa kanilang likod o nasa ilalim ng kanilang tiyan. Ang pinakamaliit ay kasinglaki ng isang daga lamang. Magkakaiba sila ng pustura: ang iba ay naka-squat, ang iba ay nakatayo; ang iba ay nakahilata, at iba ay nakadapa; ang iba ay dilat na dilat, ang mga matang inilalabas ang dila, samantalang ang iba naman ay halos pikit na ang mata sa pagtawa habang masaya silang naglalaro't nag-iingay. Ilan lahat-lahat ang mga leon sa Marco Polo Bridge? Noon, hindi raw mabilang ang mga leon sa tulay na ito sa dahilang napakarami ng mga maliit na leon na nagtatago sa ilalim ng tiyan at paa ng mga mas malalaki, kaya hindi madaling matandaan kung ilan. Pero ngayon alam na namin na 485 lahat-lahat ang mga leon dito.
Kasabay ng paglipas ng panahon, nagbabago rin ang istilo ng mga leon. Ang 1400 taong gulang na mauseleo ng Liang Dynasty sa labas ng Nanjing City ay kilala sa mga leong may pakpak. Ang dalawang leon, na tatlong metro ang taas, ay akala mo nagmamalaki sa paglalakad, taas-noo at wikia nga sa ingles "chest out".
Sa Liang Dynasty na namamahala mula noong 618 hanggang noong 907, malimit na ginagamit ang mga nakaupong leon. Nakaupo sila sa kanilang mga binti na akala mo ay nakabaon na sa lupa dahil sa sobrang bigat. Ipinakita ng istilo ng mga leong ito ang mismong kapangyarihan ng Tang Dynasty at itinuturing silang sculptural masterpieces.
Kulot ang buhok sa paligid ng leeg ng mga leon ng Song Dynasty. Mas malapit sila sa tunay kaysa sa kanilang sinundan, at ang kanilang mga katangian ay ginaya naman ng mga kantero ng Ming Dynasty.
Noong panahon ng Qing Dynasty, inilalagay ang mga batong leon sa mga templo at hardin. Sa panahong iyon, lalo pang naging mas buhay ang mga Chinese sculptures. May hawak na bola ang ibang leon at ang iba naman ay umuungol. Baka, natatakot kayo? Hindi bale, sa mga katutubong sayaw, pinaamo na ang malupit at malakas na hayop na ito sa isang malaro at pilyo pa nga ng tauhan. May suot na mga kampanilyang humahabol sa isang makulay na bolang tumatalbog sa ritmo ng tambol.
Patalun-talon sa paligid, hinahabol ang bolang taas-baba na parang seesaw. Magkakanot o kaya ay hihiga at maiidlip sandali.
|