• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-04-17 22:11:39    
Switzerland ng Silangan, nasa Tsina

CRI
Alam ba ninyo na iyong lugar na tinatawag na "Switzerland of the Orient" ay nasa Tsina?

Ito ay ang Dali Bai Autonomos Prefecture na matatagpuan sa dakong Kanluran ng Lalawigan ng Yunnan.

Ang Dali ay may kabuuang lawak na 29,500 kilometro kuwadrado at ang mga grupong etniko na naninirahan dito ay kinabibilangan ng Bai, Yi, Hui, Miao at Naxi. Sabi ng mga tour guide na nakausap ko, lahat daw ng bumibisita sa Dali ay humahanga at namamangha sa pagkakasundu-sundo ng mga lahing ito.

Sa loob ng maraming milenyo, ang Dali ay nagsilbing gateway ng pagpapalitang pangkultura at pangkalakalan ng Tsina at ng mga bansang Timog-Silangan at Timog Asya. Ang Dali rin ang nagsilbing daan noong araw para makarating ng India at Afghanistan ang mga iniluluwas na produkto ng Sichuan at Yunnan. Sapul noon, napanatili ng Dali ang reputasyon nito bilang sinaunang kapital ng krus na daan ng kulturang Asyano. Maraming bantog na manlalakbay na tulad ni Marco Polo ang nagpatotoo sa tagumpay at kabantugan ng Dali hanggang ngayon ng cultural mementoes mula sa India.

Noong sinaunang panahon, ang Dali ay bantog sa kaniyang mga produkto na nagmula sa bundok, mga materyal na gamit sa paggawa ng gamot, at magagandang linen. Ngayon naman ito ang nagsisilbing pusod ng transportasyon at distribusyon ng kanlurang Yunnan.

Iyong mga daan na nilalakbayan ng mga caravan na nagdadaan ng Dali maraming siglo na ang nakararaan ay nahalinhan na ng network ng daambakal, haywey, rutang panghimpapawid, at mga daang-tubig.

Tinanong ko ang kaibigang travel agent at tour guide na si Elvia Chen kung ano ang klima sa Dali kasi kagagaling lang niya roon. Ganito ang sagot niya:

"Ang Dali ang mga pinaka-katamtamang lagay ng panahon sa buong Tsina. Ang karaniwang taunang temperatura nito ay 15 digri sa sentigrado at bihirang-bihirang-bihirang mag-snow kahit na ang snowcaps sa Cangshan Mountain ay hindi natutunaw. Ang tipo ng klima nito ay nagkakaloob ng pugad sa 3,000 uri ng halaman na bumubuo ng isang kumpletong biological gene bank."

Sabi pa Elvie, bilang karagdagan, na hindi kukulangin sa 1 milyong Britaniko ang nakakaalam tungkol sa CangShan Mountain sa pamamagitan ng Cangshan azaleas ng Dali na itinatanim, pinapatubo at hinahangaan sa kanilang mga hardin.

Kung magkakaroon kayo ng pagkakataon na mabisita ang Dali, sana matiyempuhan ninyo ang taunang Flower Festival nito. Sabi ni Elvie ang saya-saya raw ng festibal na ito ang bangu-bango.

"Ang taunang Flower Festival ng Dali ay natatapat sa Ika-14 na araw ng Ikalawang buwan ng lunar calendar. Sa araw na ito, ang bawat tahanan at naglalagay ng mga halamang may bulaklak sa paso sa labas ng bahay at ang buong bayan at napapaligiran ng napakaraming makukulay na bulaklak. Ang mga residente ng kalapit na mga village ay lumuluwas pa sa bayan para lamang makita ang mga bulaklak."

Para sa mga lugar na mabibisita, bukod sa landscapes na kaloob ng Erhai Lake at mga Bundok ng Cangshan, Jizu at Shibao, ipinagmamalaki rin ng Dali ang mga labing historical nito na tulad ng 3 Pagodas of Chongsheng Temple at Shibao Mountain Grottoes. Ang mga pagoda at mahigit isang libong taon na ang tanda at ang grottoes naman kilala bilang Dunhuang ng Timog-Kanlurang Tsina. Itong Dunhuang kasi kilala sa grottoes, eh.

Ipinagmamalaki rin ng Dali ang Dehua Stele, Shideng Street, Ruins of Taihe City, Kublai's Commemorative Tablet, Shegu Pagoda at Bai Residences.

Hinggil naman sa impresyon sa Dali ng mga bumibisita dito, Sinabi ni Elvie:

"Kung tatanungin mo ang milyong bisista na nagpupunta sa Dali bawat taon para magbakasyon sa panahon ng tag-init, isang bagay lang ang masasabi nila tungkol sa Dali: Ang likhas na kapaligiran, kapaligirang ekolohikal, kapaligiran ng pamumuhay at madamaying atmospera ng Dali ay may-harmonyang umiiral kasabay ng kaunlarang panlipunan. Ang Dali ay isang ideyal na habitat ng tao."

Sabi ng mga namumuno sa Dali, dapat daw itatag ang awtonomong prepekturang ito para maging isang purok na etniko na kung saan ang mga mamamayan na may malaking paggalang sa kalikasan ay magkakasamang namumuhay nang mapayapa at may harmoniya.

Ngayon, kung bakit tinawag na "Switzerland ng Silangan" ang Dali, sabi ni Elvie siguro dahil mabundok, mapuno, at mahalaman at maganda ang kapaligiran ng pamumuhay.