• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-04-20 21:31:09    
Yangzhou Masters in Service

CRI
Kung papasok kayo ng mga public bath sa Shanghai at sa iba pang malalaking lunsod dito sa Tsina, makakakita kayo ng mga karatula o signboard na nagpapatalastas ng "Yangzhou Master In Service". Ang mga pulic bath na it ay nag-aalok ng mga serbisyo ng mga taga-Yangzhou. Ang Yangzhou kasi ay kilala sa pagkakaroon ng mahuhusay na manikurista, pedikurista, masahista at barbero't barbera...

Si Sharon ay isang kababayan na nagtatrabaho dito sa Beijing. Kagagaling lang niya ng Yangzhou at siya ay buhay na saksi sa mga katangian ng lunsod--mga katangian na nakakatawag ng pansin ng mga turista sa loob at labas ng bansa.

Noong nagkita kami ang unang nakatawag ng aking pansin ay ang kaniyang manicure. Tinanong ko siya kung saan siya nagpapalinis ng kuko.

Doon nagsimula ang kuwento ni Sharon.

Sabi niya ang pagmamanikyur at pagpepedikyur ay talagang tradisyonal na service trade sa Yangzhou. Kung noong araw, sabi niya, ang Yangzhou ay kilala sa "three knives"--ibig sabihin razor, kitchen knife at nail file--sa kasalukuyan naman, ito ay kilala sa ibayong dagat sa pagkakaroon nito ng magagaling na manikurista. Sabi din niya, marami ding lumilitaw ngayon na kabataang matitinik sa paglilinis ng kuko.

Sampung araw lang si Sharon sa Yangzhou pero ang paliramdam niya ay bumigat ang timbang niya. Ang sasarap daw kasi ng mga pagkain doon. Ang mga kulay, amoy, lasa at anyo ng mga pagkain ay kahanga-hanga at ang orihinal na kulay ng mga pagkain ay napapanatili pagkaraang maluto, pagmamalaki niya. Wala din daw inihahalong malangis na sauce para mapanatili ang sariwang lasa ng pagkain. Binigyang-diin niya na ang mga pagkain sa Yangzhou, mahal man o mura, ay niluluto nang buong ingat at hindi tinitipid ng nagluluto nag kaniyang pagkain.

Nalaman ko rin mula sa kaniya na ang mga taga-Yangzhou ay may magandang pananaw sa buhay, kalmado at parang hindi man lang natitigatig ng presyur na dumarating sa kanila.

Sabi ni Sharon ang mga taga-Yangzhou ay parang ipinanganak na walang kamuwang-muwang sa presyur ng buhay.

Mga bandang alas-nuwebe ng umaga, makikita daw ang mga katandaan na naghuhugas ng mga gulay at nagluluto na ng tanghalian. Sa tanghali naman, naglalaro daw sila ng madyong kasama ng mga kalitbahay at alas-kuwatro pa lang nagluluto na ng hapunan.

Napuna rin ni Sharon na kahit na ang bawat kabataan sa Yangzhou ay may sariling paliguan, hindi rin naaalis sa mga residente, lalo na sa mga kabataan, ang pagpungta sa mga paliguang pampubliko o public baths.

Kung weekend, sabi niya, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang maghapon sa mga public bath. Ang mga bagong gawa daw na paliguan ay may tatlo hanggang apat na bathing pools na may tubig na ang temperatura ay mga 20 hanggang 40 sentigrado. Ang ibang pools naman daw ay naglalaman ng mga mineral na pinaniniwalaang may therapeutic effect. Sabi niya pagkatapos maligo puwede ka na ding magpamsahe ng likod o magpa-manikyur o pedikyur dahil meron ding attendants sa public baths na nakahandang magkaloob ng ganitong serbisyo.

Bago kami naghiwalay ni Sharon, sinabi niya sa akin na next month magbabalik siya sa Yangzhou. Tinanong ko kung bakit. Sabi niya para daw magpa-pedikyur! HA-HA-HA...