Sa Shang Dynasty noong mga 3000 taon na ang nakalilipas, ang ginagamit na papel ng mga tao ay buto ng hayop at bahay-pagong. Gumagawa sila ng mga tala sa pamamagitan ng pag-uukit ng mga salita sa naturang mga materyal. Ang mga inukit na butong ito ay kilala ngayon bilang "oracle bones". Bukod sa mga seremonya ng dibinasyon, ginagamit din noon ang mga butong ito sa pagrerekord ng mga pangyayaring historikal, mga gawain ng kaharian, impormasyon hinggil sa penomenang natural at pamamaraan ng pagsasaka. Ang mga ito pa lamang sa ngayon ang pinakamatandang dokumentong historikal na natuklasan sa Tsina at malinaw na nakapagbigay sa amin ng ideya na noong panahong iyon ay may sibilisasyong Tsino na.
Sa bandang huli, sa panahon ng kasunod na Zhou Dynasty, ang mga karakter ay iminomolde sa mga bagay na tanso na tulad ng kampana, pinagsisindihan ng insenso at mga gamit na lutuan. Ito ay isa ring tangka para ipreserba ang mga rekord. Ang mga inskripsyong ito ay kilala bilang Zhongdingwen o "metal inscription". Nakikita mo ang mga ito sa halos lahat ng mga templo at museo sa Tsina. Gayunman, talagang mahal ang ganitong uri ng papel. Una, nangangailangan ito ng maraming metal na noo'y pambihira at mahal. Bukod dito, isang napakasalimuot na proseso ang pagsulat sa ganitong "papel". Dapat mong i-molde ang mga salita sa mga bagay na yari sa tanso. Kaya ang paraang ito ay hindi praktikal para sa mga karaniwang tao.
Tapos, noong mga 600 BC, naging gamit na sulatan ang mahaba at makitid na piraso ng kahoy at kawayan. Sumusulat ang mga tao sa pamamagitan ng pag-uukit ng mga salita sa ganitong mga piraso na kilala bilang "inscribed bamboo" o "wooden strips". Noong 1970's, maraming nahukay na strips. Noong 1975, may nahukay na mahigit isang libong piraso ng kawayan sa isang libingan ng Qin Dynasty sa Yunmeng Country, Hubei Province. Mahigit sa kalahati ng mga ito ay may kinalaman sa batas at mga isyung pambatas. Ang iba ay kinabibilangan ng mga dokumento ng pamahalaang lokal at kasaysayan ng mga importanteng pangyayari, na tulad ng magkakasunod na digmaan na pinasimulan ni Emperador Qinshihuang upang pag-isahin ang buong bansa. Natuklasan ang iba pang limang libong piraso ng kawayan sa dalawang libingan ng Western Han Dynasty sa Linyi Country, Shandong Province. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang teksto ng "Sun Bin's Art of War". Bilang isa sa dalawang pinaka-importanteng military treatises sa sinaunang Tsina, mahigit sa 1000 taon itong nawala. Ang buong teksto ay kinabibilangan ng 6000 karakter na nakasulat sa 240 piraso ng kawayan.
Noong mga 600 BC, naging gamit sa sulatan ang mahaba at makitid na piraso ng kahoy at kawayan. Gayunman, hindi madaling gawin ang pagsulat sa ganitong mga materyal, ang bamboo slips, halimbawa. Pinagpuputul-putol muna ang kawayan at pagkatapos, pinatutuyo ang mga ito sa apoy para maalis ang pagkakabasa-basa para maiwasan ang pagkabulok at pagkain ng uod sa darating na panahon. Nakaabot sa 20-70 sentimetro ang haba ng mga natapos na bamboo slips. Ang mga karakter ay inukit sa mga slips at kung magkakamali, kakayurin ang mga maling karakter ng isang maliit na kutsilyo para maisulat doon ang wasto. Ang kutsilyo ang gumaganap noon ng papel ng "rubber eraser" ngayon.
|