Itinuturing ng mga tradisyonal na alamat ng Tsina ang "dragon", "phenix", "tortoise", at "kylin" o "Chinese unicorn" bilang maskot. Ang "pattern" ng lumilipad na "dragon" at nagsasayawang "phenix" ay, higit sa lahat, pinaniniwalang sagisag ng suwerte. Ang "tortoise" at "crane" ay kumakatawan sa mahabang buhay samantalang ang kylin ay sumasagisag sa pertilidad. Bukod dito, nagiging maskot din ang ibang mga hayop at halaman kasi sila'y simbolo ng suwerte. Halimbawa, "homophone" ng "wearing happiness on the eyebrows" ang "magpies" at "plum blossoms", "homophone" ng "bahay na puno ng ginto at jade" ang "gold-fish" at "cherry-apple blossoms"; at "homophone" ng "sagana taun-taon" ang "lotus" at "carp".
Pinahahalagahan din ng mga Tsino ang ibang halaman. Itinuturing na "3 kaibigan sa taglamig" ang "pine", kawayan at "plum" na kumakatawan sa karangalan, katiyagaan at pagkakaibigan; "hibiscus" at "sweet osmanthus" ay sumasagisag sa suwerte at ang evergreen ay kumakatawan sa walang hanggang kabataan.
Nagiging maskot na rin ang "giant pandas" nitong ilang taong nakalipas dahil sa kanilang apgiging malaro at kanilang papel bilang ambassador of friendship.
Isang popular na tema ang tigre sa katutubong sining ng Tsina. Kahit sino ay may makikitang di-mabilang na imahe ng tigre sa halos lahat ng porma ng katutubong sining: paper-cuts, pagbuburda, iskulptura, larawang pambagong taon, at iba pa.
Ang kauna-unahang imahe ng tigre ay natuklasan sa isang sinaunang libingang nahukay sa Henan Province sa gitnang Tsina noong 1987. Natuklasan ang isang yari sa kabibing tigre sa kaliwa ng isang bangkay na inilibing doon. Sa kanan nito naman ay nakita ang kauna-unahang imahe ng dragon na gawa rin sa kabibi.
Pinaniniwalaang may mga 6000 taong gulang na ang mga imaheng ito. Sinasabi ng mga eksperto na ang tigre at dragon ay kapuwa totems noong sinaunang panahon.
Ang Han Nationality, ang mayoryang nasyonalidad ng Tsina, ay magkakahalong iba't ibang tribu sa buong bansa. Sumasamba sa tigre ang mga tribu sa kanlurang Tsina na kinabibilangan ng tribu ng Yellow Emperor, samantalang sumasamba naman sa dragon ang iyong mga nasa kahabaan ng tabing dagat sa silangan. Siyembre, marami pang ibang tribu na may iba't ibang totems.
Pagkatapos ng maraming digmaan ng ekspansyon, unti-unting naghalu-halo ang mga tribu hanggang sa mabuo ang Han Nationality.
Sa dahilang lalong malakas ang mga tribung sumasamba sa tigre at dragon, nawala ang ibang mga totems, samantalang nanatili itong dalawa.
|