• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-04-24 22:30:05    
Abril ika-16 hanggang ika-22

CRI
Nakipagtagpo noong Lunes sa Beijing sina tagapangulo Wu Bangguo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, NPC at tagapangulong Jia Qinglin ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC kay Franklin Drilon, dumalaw na pangulo ng Mataas na Kapulungan ng Pilipinas.

Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Wu na nitong ilang taong nakalipas, lumalalim nang lumalalim ang pagpapalitang pangkaibigan ng NPC at Mataas at Mababang Kapulungan ng Pilipinas at umaasa aniya siyang makapagsisikap ang kanilang mga lehislatura para mapalalim ang tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at mapasulong ang kanilang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan. Sinabi ni Jia Qinglin na nakahanda ang CPPCC na makipagkooperasyon sa Senado ng Pilipinas sa lahat ng larangan at lahat ng antas para gumawa ng bagong ambag sa pagpapalalim ng pangkaibigang kooperasyon at pagkakaibigan ng Tsina't Pilipinas.

Ipinahayag naman ni Drilon na umaasa ang Pilipinas na mapapalawak ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangang gaya ng agrikultura at turismo at mapapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng kanilang mga pamahalaan at lehislatura.

Natapos noong Biyernes sa Pinang, Malaysia ang ika-2 porum ng mga ministro ng impormasyon at telekomunikasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN at mga iba pang aktibidad na may kinalaman sa China-ASEAN Information and Communications Technology Week. Sa isang magkasanib na pahayag, inulit ng Tsina at mga bansang ASEAN na patuloy na pahihigpitin nila ang kanilang estratehikong partership sa larangan ng IT industry. Anang pahayag, sa taong ito, pag-aaralan ng Tsina at ASEAN ang pagbuo ng koordinadong balangkas ng emergency response sa seguridad ng network at impormasyon. Sinang-ayunan din ng dalawang panig na pabilisin ang konstruksyon ng "information highway" sa Greater Mekong region at pag-aralan batay dito ang posibilidad ng pagtatayo ng Tsina at ASEAN ng information highway. Nauna rito, sa kanyang paglahok noong Huwebes sa diyalogo sa pagitan ng mga ministro ng industriya ng impormasyon at sektor ng industriya at komersyo ng Tsina at mga bansang ASEAN, ipinahayag ni Wang Xudong, ministro ng industriya ng impormasyon ng Tsina, na may kani-kanilang bentahe ang Tsina at mga bansang ASEAN sa industriya ng impormasyon at mabuti ang batayan at malawak ang prospek para sa kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Sinabi rin niyang mataas na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pagsasagawa ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan nila ng ASEAN sa industriya ng inpormasyon. Anya, sa hinaharap, aktibong pasusulungin ng Tsina ang paglahok ng mga bahay-kalakal, mga samahan ng industriya, mga instituto ng akademikong pananaliksik at iba pa para walang tigil na mapalalim ang kooperasyon ng dalawang panig sa larangang ito.

Sa kanyang pakikipagtagpo noong Sabado sa Boao, lunsod sa timog Tsina, kay pangalawang pangulong Jusuf Kalla ng Indonesya, ipinahayag ni pangalawang pangulong Zeng Qinghong ng Tsina na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng Indonesya, na pabilisin ang pagbalangkas ng plano ng aksyon ng dalawang bansa bilang estratehikong partner para mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan na kinabibilangan ng enerhiya. Sinabi rin ni Zeng na noong isang taon, ipinatalastas ng Tsina at Indonesya ang pagtatatag ng estratehikong partnership at sa gayo'y napataas ang kanilang bilateral na relasyon sa isang bagong antas. Anya, nauunawaan at kinakatigan ng dalawang bansa ang isa't isa sa mga mahalagang isyung may kinalaman sa kanilang soberanya ng bansa at kabuuan ng teritoryo, isinagawa nila ang malawak at mabisang kooperasyon sa larangan ng kabuhayan, kalakalan at iba pa at nagkaroon ang mainam na pag-uugnayan at pagkokoordinasyon sa mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig. Sinabi naman ni Yusuf na nagsisikap sa kasalukuyan ang Indonesya at Tsina para mapalawak ang bilateral na kalakalan at mapahigpit ang kooperasyon sa larangan ng konstruksyon ng impraestruktura at umaasa siyang mapapatingkad ng mga kooperasyong ito ang positibong papel para ibayo pang mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa.

Pormal na isinaoperasyon noong Martes ang isang all-cargo flight mula Taipei patungong Xiamen sa pamamagitan ng Pilipinas na isinagawa ng isang airline company ng Pilipinas. Dahil dito, nadagdagan ng isang bagong tsanel ang transportasyon sa pagitan ng Xiamen at Taiwan. Inihahatid nito, pangunahin na, ang mga paninda sa pagitan ng Xiamen at Taipei, at dumaraan ito sa Pilipinas para sa teknikal na paghinto at pagkukumpuni lamang, at hindi para maghatid ng paninda.